Chapter 15

11 1 2
                                    

"Ma sorry nga pala ha?" sabi ko habang nakaupo ako sa lamesa. Ngayon nga pala ang unang araw na sabay sabay kaming kumain nila mama at papa.

"Hm. Okay lang yun anak. Basta ay hindi na mauulit yun. Kami na ngayon ng papa mo ang bahala sayo"

"Ah ano pong ibig niyong sabihin ma?"

"Sasama ka samin ng papa mo sa texas anak. Doon ka na magpapatuloy ng pagsasayaw mo.  Hindi na sa mga crew mo na lumalaban sa streets ang makakasama mo"

Ha? Ano? Ilalayo niya ko sa crewfam? Eto ba ang kapalit ng pagiging mabait ni mama sakin? Eto ba? Eto ba? T.T

"Ha ano?! Hindi pwede ma" depensa ko

"Anak, nakita mo na hindi ka maganda ang nangyayari sayo dito. Mag-aaral ka dun ng valley dahil yun ang nararapat sayo! Babae ka."

"Kahit na. Ayoko, ayoko, ayoko pa rin" sabay tayo at tumakbo papuntsa sa kwarto ko

Ayokong malayo. Ayoko umalis. Ayoko mag-aral ng valley. Ayoko ng buhay dun T.T

Pinaghahampas ko ang unan. Ibinato ang mga pwedeng ibato. Wala nakong pake kung magagalit sina mama at papa sakin basta basta hindi ako aalis. Hindi ako aalis ng kasama sila! T.T

Bat ko pa kasi naisip na ikwento ang lahat sakanila. Ayan tuloy sa hindi ko inaasahang pagkakataon eh nakapag desisyon sila na ilipat ako.

*Tok tok

*Tok tok

Sunod sunod na katok na narinig ko.

"Open this door kaycee now!" utos ni mama

"Ayoko! Sinabing kong ayoko sumama sainyo!" sigaw ko

"Honey ipakuha mo na ang susi kila manang at buksan na to"

Tumayo ako at nag-isip ng paraan kung pano makakatakas dito pero wala ng ibang pinto dito maliban sa pinaka pinto ng kwarto ko. T.T

Nakita ko ang door knob eh gumagalaw sign na binubuksan na nila ang kwarto ko. Hindi ako mapakali anong gagawin ko?

Nagkusa nako para buksan ang pinto at sabihin lahat ke mama. Lahat lahat!

Pagkabukas ko ng pinto yung mga mukha nila halatang nagulat sila.

"Oh masaya naba kayo? Ngayon anong gagawin niyo?"

*Plaaaaaaaaaak

"Sinong nagturo sayo pa rin bastusin kami ha? Princess?"

"Ow. Hahaha princess? Tama ba ang narinig ko princess? Eh bakit kung ituring niyo ko eh malayo sa pinagsasabi niyo. Malayo sa pagtrato niyo. Eh para na nga kong balewala dito dahil palagi kayong wala. Bakit? Kasi palagi kayong nandon iniintindi ang mga lintek na negosyo niyo. Nagpapayaman kayo ng nagpapayaman. Hindi niyo napapansin na may anak kayo dito. Mga maids lang ang nag-aalaga sakin."

"Anak rumespeto ka sa mama mo!" sigaw ni papa

"Wow pa nandyan ka pala? Ikaw ba? Namasdan mo ang pag laki ko? Ano bang mga nagawa niyo para sakin? Ang bilhin halos ang lahat ng mga kailangan ko at hindi iparamdam talaga ang kailangan ko?"

"Kaycee!" sigaw ni papa

Habang binibigkas ko ang lahat ng yan sa mga bibig ko eh tumutulo ang luha ko hindi ko napigilan ang sakit. Alam kong matatag ako pero nagpatalo ako ngayon.

"Huminahon ka kaycee! Wala kang alam sa mga pinagsasabi mo!"

"Walang alam ma? Oh kayo ang walang alam?!"

Sasampalin niya sana ulit ako pero ..

"Ano ma? Sasampalin mo ulit ako? Sige lang wala pa yan sa sakit neto" turo ko sa puso ko

"Wala pa yan sa sakit na pinadama niyo sakin kapag iniiwan niyo ko dito sa bahay kasama ang mga maids na binabayaran niyo!" pagpapatuloy ko

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka samin bukas na bukas din"

"Bat ba palagi nalang kayo ang nasusunod? Anak niyo ko! Baka naman kahit minsan ma pwede niyo kong pakinggan?"

"No but's. And i don't need your explanations kaycee. We will bring you to texas for tomorrow so prepare all of your things"

Yan ang huling narinig ko sa mga bibig ni mama bago tuluyang umalis sa kwarto ko. Hindi niya ko pinakinggan ni hindi niya man lang initindi ang mga pagkukulang nila sakin. Bat ba ganon sila sakin? T.T wala na ba talaga ko sakanila? Bat pa nila ko ginawa ni papa kung papahirapan lang nila ko ng ganito? -_-

Pano na ang crewfam? Sila nick? Ang tropa ang grupo? Maiiwan sila dito ng wala man lang kaalam alam na mawawala ako. Ang vanitycrew? Sana pala kung alam ko lang na huling bonding na namin kanina ng buong crew eh ginawa ko na pala lahat lahat. Para mapasaya ko silang lahat. Bago man lang mamaalam sakanila T.T

Tuloy tuloy pa rin ang agos ng mga luha sa pisngi ko. Daig pa ang bagyo kung rumagasa sa mga mata ko. T.T

"Ang sakit sakit!" bulong ko habang nakahawak sa puso ko

*Kinabukasan

"Manong dalhin muna lahat ng gamit sa kotse at tawagin mo na din si kaycee sa taas sabihin mo aalis na kami"

Rinig ko na sabi na mama sa baba. Kailangan ko gumawa ng paraan para makatakas. Ilan beses ko na ring sinubukan sana ngayon eh tumalab. Dadaan ako sa likod sa garden sana wala ang ibang guards don.

*Tok tok

"Mam kaycee pinapatawag na po kayo ng mama niyo"

Bubuksan ko ba ang pinto? Tapos tatakbo at didiretso sa garden? Eh pano kapag nandon ang ibang guards namin edi balewala din ang plano ko. -_-

Siguro panahon na para magbagong buhay? Hindi ko man ginusto at gugustuhin to pero siguro kailangan? Alam kong masasaktan ang crew sa gagawin ko pero. Wala nakong iba pang magawa para makatakas dito dahil napapalibutan ng mga guards ang bahay na to. Hindi ko alam daig pa ang mall sa dami ng guards dito sa bahay na to.

"Tara na po manong"

Bumaba na kami papunta sa labas kung saan hinihintay ako ng parents ko.

"Are you ready baby? Everythings gonna be alright. Trust me" sabi ni mama sakin

Hindi ko matanggap. Masakit pa rin dito banda sa puso ko na tanggapin na wala akong ibang magawa kundi ang sundin ang mga magulang ko para sa gusto nila para sakin.

Pumasok na kami sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang naglalahong bahay namin. Ng may naaninag ako na isang pamilyar na taong naglalakad papunta sa bahay namin.

Malaki ang katawan. Singkit. Maputi. Pogi. At kamukha niya si .. Pero imposible pano niya nalaman ang bahay ko?

-

Maikli ba ang update? Bibitinin ko muna kayo syempre :)

Btw keep safe guys sobrang lakas ng hagupit ni bagyong Mario eh -_- wag ng lalabas para iwas sa disgrasya. I hope hindi naman kayo isa sa mga nabahaan at pinasok ng tubig sa loob ng bahay. Lumikas kung kailangan guys :) pray lang at maayos din ang lahat.

Tieyches~

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon