Hi Everyone. I'm Mikhyla San Juan. 18 Yrs. Old. You can call me Mik, MK or Khyla. Nakatira ako sa New York, Q.C., dito lang rin sa Manila. I lived with my Beking Friendship. Ang parents ko kasi ay nasa tunay na New York City, Sa Amerika syempre. Chubby ako, napabayaan sa kusina ng Condo eh. Maganda ang mata ko, mabait ako at may good sense of humor. Relate na relate nga ako sa story na Weight doesn't matter ng paborito kong Author na si Marcelo Santos III. Mahilig ako kumanta, sumayaw kahit matigas ang katawan at syempre kumain. Nag-aaral ako sa Hunburg University at .. Teka, ang daldal ko! Speaking of school, Late na pala ako!
Jeepney Station ..
Henry, "Girlalush di mo manlang ako hinintay, sabe ko sandali lang sandali lang! Binge teh?"
Ay Oo nga pala, nalimutan ko si Henry (Beking Friendship ko)
"Sorry baklush! Bigla ko kasing nakita yung orasan eh, tapos nakita ko na...." Hindi pa ako tapos magsalita eh nagsalita na siya.
Henry, "O sya sya, ayan na yung Jeep, sakay na! Ano teh?"
Sumakay na kami ni Henry at mukhang patay nanaman ako kay Mrs. Francisco dahil late nanaman ako. 5 Mins. nalang at pasukan na namin. Traffic pa! Nako naman, 15 Mins pa naman ang biyahe mula sa Condominium papuntang school.
12:45 P.M.
Room 203 Building B.
Mrs. Francisco, "Get your Printed Autobiography and recite as a call your..."
Patay, wrong timing pa pagpasok ko, "Goo-od A-fte-rno-oon..."
Mrs. Francisco, "Ms. San Juan! Late ka nanaman!"
Sumabat ang epal kong Classmate na si Jona na lagi akong inaasar, "Ma'am, baka nahirapan tumakbo. Kita naman sa katawan! HA-HA-HA!"
Nagtawanan ang classmates ko at biglang nagsalita si Ma'am,
"Silence! Because of being late Ms. San Juan you are the first one who will recite at the front of the class! Get your Printed Autobiography!"
"Yes Ma'am."
Ako naman tong si aligagang kinukuha ang Autobiography sa Bag. At nang nakuha ko na ay pumunta na ako agad sa harap ng room.
"I'm a princess. Cause my father is a king and my mother is a Queen.
- Hi Everyone, I'm Mikhyla San Juan. 18 Yrs. Old. Live at Room 104 Venice Condominium, New York, Q.C. .........."Mrs. Francisco, "Very Good! Take your seat"
Hay salamat, natapos na rin. Habang nagrerecite ako sa harap, may nakita akong bagong mukha. Parang transferee. Pero inferness ang pogi, maayos ang buhok, singkit ang mata at ma-apeal. Naka-plain white shirt siya at maong pants. Tapos nakasukbit ang school I.D.
"Sino ba ito?" Paulit ulit na tanong sa isipan ko..
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
93 Days To Live
Teen FictionThis Story is my First Story. About sa Isang babae na may taning ang buhay. Samahan siya sa kanyang Nalalabing masasayang araw. at kumuha ng mga aral na maari mong maikapit sa pang araw araw na buhay mo. ;) Tap READ. :)