Alas sais na ng gabi ngunit nakatulala pa din ako sa kawalan kung hindi lang tumunog ang alarm ng phone ko. "Lord I surrender my soul to You" yan ang nakalagay na alarm name, pagkakita ko palang ay agad ko itong dinismiss. Hindi ako ang naglagay niyan kundi yung kaibigan ko, ewan ko ba bakit yan nilagay niya pero sabi niya lang para daw ma remind ako.
Madilim ang bahay madilim na pala kasi sa labas kaya agad akong tumayo upang buksan ang ilaw. Mag-isa na naman ako, palagi naman akong mag-isa hindi pa ba ako nasanay? Simula ng mawala siya naging mag-isa na ako. Dahil nga oras na para mag hapunan kaya sinimulan ko na ang paghahanda nito. Habang nagsasaing ako pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa. Nagbukas na lang din ako ng de lata dahil ako lang naman ang kakain. Nang maluto ang sinaing ay naghain na rin ako, umupo na ako sa hapagkainan para kumain, kasabay ng pagsubo ko ng pagkain ay naisip ko na naman siya. Automatikong may umalpas na luha sa aking mga mata umiiyak na naman ako, kailan ba mapapagod itong mga mata ko sa pag-iyak? Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko na kaya, pumunta ako sa kusina at dali daling hinanap ang bagay na iyon, pagkakita ko ay agad ko itong kinuha. Itatarak ko na sa katawan ko ang hawak ko'ng kutsilyo ng biglang may narinig akong tumatakbo at sumisigaw sa akin yun na ang huli kong naalala bago ako tuluyang nawalan ng malay.