Kabanata 31

316 15 2
                                    

Kabanata 31

Grey

"Zakrisean!"

Gulat na naitulak ko si David at mabilisang tinuyo ang aking luha. David looked at Paevin and glared at him.

Hindi naman iyon nilingon ni Paevin. Sa halip ay humakbang siya palapit sa akin at marahang hinawakan ang aking braso.

"Let's go. I'm going to take you home." aniya at hinigit ako patungo sa kaniyang sasakyan.

Walang lingon-lingon na nag-patianod ako sa kay Paevin ngunit ramdam ko pa rin ang mabigat na tingin ni David sa amin.

Nang makapasok sa sasakyan ay t'saka ko lang nilingon si David. He's looking at the car as if he's seeing me, but I know he didn't because the car is heavy tinted.

Nang umandar ang sasakyan ay t'saka lang umimik si Paevin, "Are you alright?" he asked.

Tipid na tumango ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga at hinayaan na lang akong tumahimik.

Naninikip pa rin ang aking dibdib habang tanaw ang tanawin sa labas ng bintana. Ang mga sasakyan na kasabay namin ay walang emosyon kong pinagma-masdan. Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng aking emosyon.

Nang makarating sa bahay ay tahimik akong nag-pasalamat kay Paevin. He didn't looked at me. Nanatili ang kaniyang tingin sa manibela. When I stepped out in his car mabilisan niya iyong pinaandar. Mas lalong nanikip ang aking dibdib sa kaniyang inasal.

Kinagabihan ay nakatulog ako sa kaka-iyak. Mabuti na lang at tulog na sina Nanay nang makarating ako. Paniguradong mag-aalala iyon sa akin.

I woke up in the next morning with my eyes sore. Mahapdi iyon at ng hawakan ko ay mainit. Nag-hilamos ako ng ilang beses upang mabawasan ang pagka-maga.

I checked my phone at nakita kong may mensahe doon.

From: Unknown Number

Can you come here in our house? We need to talk some important stuff. It's me your Dad, Grey.

Huminga ako nang malalim at wala sa sariling ibinagsak ang cellphone sa aking kama. Hindi ko maintindihan kung anong kailangan sa aking ng aking ama. Kung kailan hindi ko na siya kailangan tiyaka pa siya nagkalakas ng loob na kontakin ako.

"Ate kaaalis lang ni Nanay para mag-trabaho. May pagkain pa diyan sa lamesa."

Nilingon ko si Kevin na bihis na bihis. Kinunotan ko siya ng noo, "Where are you going, Kevin? It's Saturday, wala kang pasok."

"May group project kaming gagawin sa bahay ng kaklase ko. Una na ko." mabilis nitong paalam.

"Umuwi ka ng maagap ha!?" pahabol kong sigaw.

"Oo!"

Iiling-iling na tumungo ako sa kusina para kumain. Matapos kumain ay naligo ako't nag-bihis.

Pinasok ko ang kwarto ni Kevin at Kenneth. Nakita kong nag-babasa siya ng kaniyang libro.

"Kent, aalis na ako. May pupuntahan ka ba ngayong araw?"

Tumango ito at nilingon ako, "Aayusin ko iyong sirang telebisyon kina Aling Pilar."

Minsan ay tumatanggap siya ng sirang gamit upang kumpunihin at ang perang nalilikom niya'y ipinambabaon niya kapag sobra nama'y ibinibigay niya sa kay Nanay. Hindi ko kasi siya pinayagang mag-trabaho dahil ang gusto ko'y mag-seryoso siya sa pag-aaral niya.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon