Kabanata 1

6 1 0
                                    

"Ma sinasaktan na naman ako ni tita." umiiyak kong sabi kay mama na para bang siya nalang ang natitira kong kakampi.

"Anak, pasensya ka na ha. Tiis tiis nalang muna kayo jan. Ganyan talaga ang Tita mo. Tumatanda na kaya umiinit na ang ulo. Miss ko na kayo ng kapatid mo." wika ni mama habang pinapahid ang luha. Kung pwede lang sanang umalis sa bahay na 'to, ginawa ko na. Kaso san kami pupulutin ng kapatid ko?

"Ma, uwi na kasi kayo." nagmamakaawa kong sinabi kay mama. Di ko na kaya ang pagbubuhat kamay sakin ng aking tiyahin. Pag nalalasing, mas umiinit ang ulo niya. Parang katulong ang estado namin dito sa bahay ng Tita ko. Kami ang lagi niyang inuutusan at inaalipusta. Walang magawa si mama dahil hindi niya naman gustong ipagkatiwala ang mga anak niya sa kapatid ni Papa dahil masasama ang ugali nila. Madaming masasakit na salita ang naaabot ni mama kapag nakiki usap siya sa mga kapatid ni papa. Si papa naman hindi man lang niya maipagtanggol si mama sa kanyang mga kapatid. Kahit na alam niyang mali ang mga ito, sila parin ang kakampihan niya.

Kaya heto kami ngayon, kami nalang ang magkakampi nila mama. Kahit na gusto nang umuwi ni mama sa Pinas ay hindi niya magawa dahil wala kaming kakainin kung hindi siya kakayod. Ang papa naman namin ay nasa abroad din, kasama si mama pero hindi pa sapat ang sahod niya para mapag aral kami. Kaya pinagdadasal ko sila lagi na sana bigyan pa sila ng lakas ng loob ng Panginoon.

"Oo anak, uuwi kami sa bakasyon ng papa mo. Tiis muna kayo jan ha. Mahal na mahal ko kayo." lalo akong naiyak sa sinabi ni mama. Narinig ko ang kotse sa labas at hudyat na andito na sila Tita. Nagulat ako at bilis akong nagpaalam kay mama.

"Ma andito na sila Tita, patayin ko na ha. Tawag po ulit kayo bukas. Love you din ma. Ingat kayo lagi." di ko na hinintay ang sasabihin pa ni mama dahil alam kong malalagot na naman ako sa tiyahin ko pag naabutan niya akong nag co-computer at walang ginagawa.

Agad agad kong hinila ang saksakan ng computer at ito'y namatay. Nakahinga ako ng maluwag nang naabutan ako ni Tita na nagtitiklop ng damit. Ayaw niya kasi ng wala kaming ginagawang trabaho pagdating niya. Siguradong masasampal na naman ako.

"Adriana bakit di ka pa nagsaing?!" galit na sigaw ng Tita ko mula sa kusina.

Bumilog ang aking mata nang naalalang di pa pala ako nakapag saing. Naku, lagot! Agad agad akong tumayo at muntik nang madapa sa pagmamadali. Pumunta ako sa kusina at naabutan ang mga hindi pa nahuhugasang pinagkainan. Kagagawan na naman ito ni Aliyah, ang anak nila Tita. Hindi na naman siya naghugas ng pinag kainan niya at gusto niya talagang pagalitan ako ng mama niya. Sarap sabunutan eh!

"Tita sorry po, di ko po namalayan yung oras. Pasensya na po kayo." pag mamakaawa ko kay tita. Sana naman maniwala siya.

"Hindi namalayan ang oras? Eh mukhang wala ka ngang ginagawa buong mag damag eh! Yang mga tinitiklop mo dapat kanina pa yan tapos pero hanggang ngayon meron parin?! Pati itong mga pinggan di mo man lang mahugasan! Anong silbi mo dito sa bahay ha?!" parang may usok na lumalabas sa kanyang ilong dahil sa sobrang galit.

"Tita hindi ko po alam na kumain si Aliyah. Kaya di ko po naisabay kanina." nakayuko kong sabi at sakto namang pumasok si Aliyah sa kusina.

"Ha? Ba't ako sinisisi mo, kung ginawa mo na sana yan kanina pa edi sana natapos mo diba? Eh kanina ka pa kaya nag fa-facebook!" nakakabwisit na 'tong Aliyah na 'to ah. Sarap sipain sa mukha! Kung sumabay ka sana kaning tanghali na kumain edi sana hindi pa nadagdagan ang galit ni tita sakin ngayon!

"Ano?! Yun na naman ba ang ginawa mo buong araw kaya nakalimutan mong magsaing at maghugas ng pinggan, ha?!" sabi ni Tita. Hindi ko na matiis ang mga pinagsasabi nila kaya sumagot na ako.

"Tita kausap ko po si mama kanina. Tumawag po siya at kinamusta niya po kami dito. Minsan ko lang po makausap si mama dahil pinagbabawalan niyo akong gamitin ang computer. Di ko po namalayan ang oras dahil nag uusap po kami ni mama kaya pasensya na po. Pero yang si Aliyah wala din naman po yang ginawa buong hapon pero bakit di niyo pinapagalitan? Tapos hindi pa niya hinugasan yung pinagkainan niya? Lagi nalang ako ang napag bibintangan." naiiyak kong sabi at pinipigilan na bumagsak ang aking mga luha habang nakatingin sakanila.

Wake Me UpWhere stories live. Discover now