Kabanata 34

537 13 2
                                    


Since, we are in the near end, let's have Dylan's POV! 

Matapos ang surgery ko, nagpahinga na muna ako. Pag gising ko, nasa isang hindi pa natatapos na building kami nagtago. Sino ba naman ang mag iisip na dun kami pupunta gayong may pera naman kaming magagamit para umupa ng bahay, diba?

Yun nga eh, hindi namin alam kung paano kami natunton ng mga pulis. Mas lalo lang nagkagulo ang lahat.

Agad pinakalat ni Ate ang mga tauhan niya para magkaroon kami ng oras na lumayo na muna.

Lintik naman!

Hindi ko rin dala ang baril ko. Paano ako haharap sa mga pulis ngayon?

Sa ibabaw ng building, nakita ko ang mga pulis na nagsisilabasan sa mga kotse nila at paakyat na dito sa building.

"Shit!" sigaw ko sa sarili

Hindi ko maiwasang mapatingin sa Ate ko. Hindi siya mapakali at likod dito at doon ang ginagawa niya.

"This is crazy, Dylan! Sigurado ako na walang nakasunod satin nung lumipat tayo dito pero bakit parin nila tayo natunton! Bwiset!" galit na sambit niya habang nilalagyan ng bala yung baril

Isang baril lang ang meron siya kaya wala siyang maibibigay sa akin.

Palapit ng palapit ang putok kaya wala narin kaming choice kundi humanap ng ibang daan palayo sa kanila.

"Mauna kana! Susunod ako!" walang alinlagan na sinunod ko si Ate at naglakad na palayo sa kanya

May tiwala naman ako dun. Magaling yun sa depensa dahil inaral niya yun so for sure, hindi siya basta-basta magpapahuli sa mga pulis.

Maingat akong naglakad at nung may padaang pulis sa dadaanan ko, mabilis akong nagtago sa malaking haligi para hindi niya ako makita. Buti nalang at nakalayo narin iyon matapos ang ilang segundo.

Tuloy parin ang putukan. Habang tumatagal mas lalo lang iyong lumalakas.

Ayoko pang mamatay kaya kailangan kong ingatan ang sarili ko. Katatapos ko lang sa operasyon. Hindi ko pa nae enjoy ang pagbabalik ng dati kong itsura.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero todo parin ang ingat ko. Maraming kwarto dito pero karamihan ay hindi pa nalalagyan ng pinto at bintana.

Sa hindi kalayuan, napansin ko ang sigaw ng isang pamilyar ma boses.

"Gago, nasaan si Dylan ha? Nasaan silang dalawa?" sigaw nito

Hindi ako pweding magkamali.

Pagsilip ko sa kabilang kwarto ay nakita ko si Kent habang sinasakal yung isa sa tauhan ni Ate.

Nang hindi parin ito magsalita ay sinuntok na ito ni Kent. Galit na galit siya ngayon.

Pagkatapos niyang suntukin yung lalake ay sinipa na naman niya ito pilit na pinapatayo.

"Ano, sapat na ba yun para magsalita kang gago ka!" hindi umimik yung lalake pero bigla siyang napatingin sa direksyon ko

"H-hin-di k-ko a-alam!" nagulat ako sa sinabi niya

Nasa 40's na yung lalake kaya dapat kayang-kaya niya si Kent pero hindi. Talo siya.

Nang hindi makuntento sa Kent sa sagot niya ay binitawan niya ang lalake kaya napahiga na ito sa sahig.

"Arrgh!" sigaw ni Kent sabay sabunot sa sarili

Ganun ba siya ka desperadong hanapin ako?

Agad na akong umalis palayo sa kinaroroonan niya dahil baka makita niya pa ako. Aminado ako na mas malakas kaysa sa akin ang gagong yun. Hindi naman sa duwag ako, ayoko lang mamatay ng maaga.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon