Sino nga ba ang dapat piliin, yung mahal ko o yung mahal ako?
Jana POV
Katulad ng mga cliche sa story, pinili ko yung mahal ko. Ayan, nasaktan tuloy ako.
At katulad ng maraming cliche na reason ng break-up, wala daw syang time, out of love, its not you, its me.
"Hey, baby, ano na naman ang iniisip mo?" Sabi ni Alexus habang hawak-hawak ang kamay ko.
"May naisip lang ako." Sabi ko.
"Si James na naman ba yan?"
"Hindi, iniisip ko lang na napakaswerte ko sayo."
Si Alexus Marasigan, gwapo, maalaga, mabait, joker at higit sa lahat mahal ako. Ideal boyfriend kumabaga. Siya yung iniwan ko para kay James. Siya yung nandyan pa din, kahit iniwan ko sya sa ere. Siya yung kahit hindi ko pinili, minamahal padin ako. At ngayong, break na kami ng supposedly 1 year James' relationship, tiulungan niya akong mabuhay. Hindi niya ako iniwan. Masasabi kong, pag may Alexus ka sa tabi mo, kaya mong harapin ang bukas at napakaswerte mo pa.
"Jana baby, swerte din ako sayo ah. Kaya nga hindi ako napagod antayin ka, at hinding-hindi ako mapapagod kahit gaano katagal pa."
Pinaramdam sakin ni Alexus na karapat-dapat akong mahalin. Binuo niya ako uli. Hindi niya ako sinukuan. Kaya naman, nahuhulog na ako sa kanya. Pinagplaplanuhan ko na syang sagutin sa birthday ko. Oo, hindi pa kami, MU palang. Gusto ko kasing maging maayos muna ang lahat. Gusto kong maramdaman niya na special sya. Deserve ni Alexus na kahit yun lang masuklian ko mga effort niya.