Katelyn PoV
Habang naglalakad ako papuntang classroom madadaanan ko matataas na mga puno . Nauna na ako kay Ally kasi kailangan ko dumaan ng library .
Naka earphone ako habang naglalakad . Nagtatype ako itetext ko sila tatay .
Good morning tatay papasok na poko ng school medyo maaga kasi po dadaan poko ng library kamusta na po kayo ni nanay diyan ..miss ko na po kayo ni nanay pag wala po kayong load wag na po kayo magpaload para mag reply pagkatapos po ng klase namin ako na po tatawag senyo sayang naman po load ko wala naman poko pinag gagamitan . Babay tatay iloveyou both mwuah ..
Send ...
Panatag akong naglalakad habang hawak ang phone ko .
Ng biglang may humablot ng kamay ko .
Sobrang higpit . Pinipigilan kong matangay niya ako napatingin ako sa kanya may takip ng bonet ang muka niya . Tapos naka itim na sleeves din siya .
Sobrang sakit na ng kamay ko kaya matatangay na niya ako .
" wag kang maingay kundi babarilin kita ngayon din "
" Kuya mahirap lang po kami scholar lang po ko ng school "
Biglang siyang humarap at ngayon dalawang kamay na ang hawak niya sa kamay ko .
" Kuya please po parang awa niyo na po " pagmamakaawa ko ayaw ko ibigay sa kanya ang puri ko iningatan ko to ng ilang taon . Chaka sabi ni tatay kasal muna bago ko ibigay sa lalaki ang puri ko .
" Hoy ! Ano yan ? " boses ng lalaki kaya bigla ako na pa lingon
Si Philip
" Philip !! Tulungan moko " sigaw ko
" bitawan mo si Katelyn " sigaw niya at lumapit na siya saken at hinawakan ang kamay ko .
Mabilis na hinawakan ni Philip ang kamay ng lalaki at pinilipit ito .
Nakabawe naman ang lalaki at sinuntok si Philip . Napaupo siya sa lupa . At nilapitan ko ito .
" Tumakbo kana Katelyn " sabi niya at tumayo na siya at sinuntok ulit ang lalaki .
Bumagsak ito sa lupa at sinakyan na siya ni Philip at pinag susuntok ..
"Tumawag ka ng Security Katelyn " sigaw niya
Agad ako tumakbo .
Natataranta akong tumakbo sa dorm para sa security na naka bantay dito ..
" Kuya please tulungan niyo po ako Kuya " naghihisterical na sabi ko
" Bakit anong nangyari ? " tumayo siya at lumapit saken
" Tara na po mamaya ko na po ikukuwento " sabi ko at hinila siya palabas ng dormitory
At tumatakbo ako naiiyak na ako sa takot baka mapaano si Philip .
At sa di kalayuan may nakahiga ng lalaki sa lupa .
Bigla akong kinabahan nanginginig na yung tuhod ko sa takot ..
At nung papalapit na nakita ko si Philip duguan . Kahit nanginginig yung tuhod ko pinilit kong tumakbo .
" Philip ... "
"Philip "
Napaupo ako sa sahig ..
" Kuya tumawag ka ng ambulasya please " iyak ako ng iyak
inangat ko ang ulo ni Philip kinapa ko kung may pulso pa siya .
Tumitibok pa
" Kuya !"
" Opo eto parating na sila "
" Philip lumaban ka aa .. pupunta tayong ospital " sabi ko sa kanya at inaangat ang ulo niya at ipinatong ko sa mga hita ko .
Lumiliwanag na ang gabi .
" Tara na "
Sinakay namin si Philip sa ambulansya .
Ngayon lang ako nakasakay sa ambulansya sa tana ng buhay ko mas nakakatakot pala sumakay dito .
"Philip kapit ka lang aa "
At ng makarating kami sa ospital deneretso na siya sa ER ..
Hindi ako mapakaling palakad lakad dito sa ospital ..
Nanginginig ako sa takot wala na din ako pake kung may dugo at mga putik ang damit ko .
Upo . Tayo .upo tayo ako
Ng bigla mag tumawag ng pangalan ko .
"Katelyn !" Sigaw niya
Napalingon ako .
Si George ..
" Georgia !" Patakbo akong lumapit sa kanya at napayakap ako .
Ng pahigpit ..
"Georgia si Philip ... ( 😭😭😭😭) nasaksak siya ng dahil saken (😭😭😭😭) natatakot ako na baka anong mangyari sa kanya sa loob ng ER .. " sabi ko
At patuloy ang pag iyak ko .
Inilayo niya ako sa katawan niya at hinawakan ang mukha ko .
" Nasaktan ka ba ? May masakit ba sayo ? Ano bang nangyari ? " tanong niya saken
Iling lang ang mga sagot ko
" Kate sure ka bang walang masakita sayo ? " si Sab
" Ano ba kasing nangyari ?" Si Amber
" Upo muna tayo guys " si Prince
Hinubad ni Georgia ang jacket niya at sinuot saken .
At hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inalalayaan akong umupo ..
" May lalaking humarang saken kanina sa kalagitnaan ng paglalakad ko .. naka bonet siyang itim takip ang muka niya nito at naka long sleeve na itim din . Nagpupumiglas ako sakto nakita ni Philip ang sitwasyon kong ganun pero di niya alam na ako yun kaya lumapit siya . Nung makita niya ako agad niya ako nilayo sa lalaki at nakipag buno siya dun . Pag tawag ko ng security si Philip pa yung nasa ibabaw nung lalaki at sinusuntok niya yun ng ubod ng lakas . Pagbalik ko nakahandusay na siya sa sahig at duguan " pagka sabi kong ganun tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha at umiyak ng umiyak .
Hinawakan ni George ang balikat ko at hinila ako payakap sa kanya at mas lalo akong napaiyak .
" Ssh magiging okay din ang lahat Kate . Hinatayin na lang naten ang doctor lumabas "
Mga ilang oras din ang nakalipas sinabihan nila akong umidlip pero hindi ko magawa patayo tayo pa din ako pasilip silip sa ER .
Mga ilang minuto na ang lumipas chaka lumabas ang doctor .
"Kaano kaano niyo yung pasyante ? " sabi ng doctor
" ka schoolmate namin siya " si Prince
" Kung ganun okay ang pagtahi ko sa tagiliran niya . Medyo mahaba at malalim . Ngayon pwede niyo na siya punta pagkatapos ng 5hrs .. "
Sabi niya at ako ay parang nabunutan ng tinik . Okay na si Philip .
Ilang oras kami naghintay sa labas .
" Kate umidlip ka muna " si Georgia
Tinapik tapik niya pa ang balikat niya senyales na dun ako matulog o humilig sa kanya .
Ngumiti ako ng payak at sumunod na lang sa kanya
Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa araw na to . First ko makaranas ng ganitong sitwasyon .
God sana po gumaling si Philip ng mabilis . At sorry Philip nadamay kapa ng dahil saken . Dapat hindi nangyari sayo yan .
Mamaya pag gising ko aalagaan at babantayan ko siya sa ngayon matutulog muna ako .
To be continued ...
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?