Jana POV
Toot.Toot...
One message received.
"Jana." - 09094321987
Kahit binura ko ang number ni James, memoryado ko naman. At bakit nagpaparamdam eto ngayon? Ano naman gusto nito? Hindi ko nireplyan ang text niya.
One message received.
"If you carry bricks from your past relationship to your new one, you will build the same house." - 09094321987
At ano naman gusto niya palabasin? Na hindi pa ako nakakamove-on sa kanya? Wow! The nerve of this guy! Binura ko ang text niya.
One mesage reeived.
"Mahal pa kita, Jana. Patawarin mo ako, nagkamali ako. Hindi ko kayang wala ka."-09094321987
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na wag magreply.
"Bakit ginugulo mo pa ako? Ok na ko. Masaya na ako. Bakit kailangan bumalik ka pa, ngayon pa na ayos na ang lahat?"
"Si Alexus ba? Mahal mo ba sya?"
"Wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Kaya wag mo na ako guluhin."
"Mahal mo pa ba ako?"
Mahal ko pa ba sya? Bakit biglang hindi ko na alam ang sagot? Binura ko lahat ng text niya, humiga ako at natulog uli. Nagising akong may humahaplos sa buhok ko.
"Baby, gising na. May dala akong pagkain. Alam ko di ka pa naglulunch."
Yung, tipong nagdodoubt ako sa nararamdaman ko para sa kanya, pero sya, sobrang sigurado na.
"Thank you, Alexus."
"Mahal mo ba ako, Jana?"
"Mahal na ata kita?"
"Bakit hindi ka sigurado? Si James pa din ba?"
"Sorry."
"Yung totoo, Jana. May inaantay ba ako dito? O ikaw ang may inaantay na bumalik? Tao ako. Napapagod. Hindi ako laruan. Nakakasawa ding maging option lang ako, pupuntahan mo lang pag wala ka ng choice. Sabihin mo kong ayaw mo, hindi yung umaasa ako sa wala. Sige alis nako."
Naiwan akong nakatulala. Napakasama ko. Dahil lang sa isang txt ni James,nagulo na ang sistema ko. Nasaktan ko pa si Alexus.
Alexus POV
Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal, wag lang yung pinapaasa niya ako sa wala. Pwede naman niyang sabihin sa akin, na hindi niya ako mamahalin. Hindi yung pinapakita niya mahal niya ako, pero hindi pala.
Flashback
Habang pinagmamasdan kong natutulog si Jana, biglang may tumawag sa phone niya. Kinuha ko ang cellphone niya, at sinagot ito..
"Mag-usap tayo. Patawarin mo ako." Sabi ng boses sa phone.
Aba, nabuhay uli ang loko. Kung kailan malapit na ang happy ending namin, saka naman ito dadating. Pinatay ko ang tawag. Pinaasa lang ba ako ni Jana? Bakit pinaramdamn pa niya sa akin na may pag-asa ako.
End of flashback
Naisip kong bumalik kina Jana. Kailangan kong magsorry sa mga nasabi ko sa kanya.
Jana POV
Maya-maya, may kumatok sa pintuan. Naisip ko, baka bumalik si Alexus. Binuksan ko, at nagulat ako sa nakita ko.
"James."
Bigla niya akong niyakap. At parang nawala lahat ng sakit.
"Patawarin mo ako Jana, please. Mahal na mahal kita."
"Oo pinapatawad na kita, James. Mahal na mahal din kita."
"Mahal mo ba si Alexus?"
"Hindi ko sya kelanman minahal katulad ng pagmamahal ko sayo. Wag mo na ako iiwan ha."
"Oo, hindi na. Sorry ha, babe."
Hnalikan niya ako sa noo at niyakap niya uli ako. At bigla kong nakita si Alexus, na naglalakad palayo.