Chapter 2

9 0 0
                                    

Nagising na lamang ako sa isang kwarto na puro puti ang kulay, nandito na naman ako. Bumukas ang pinto at pumasok siya, ang taong nag ligtas na naman sa akin walang iba kundi si Seah. "Heto bumili ako ng prutas at lugaw, kumain ka na muna Ella" aniya. Hindi ako kumilos nanatili lang akong nakatitig sa kisame, sinubukan niya akong subuan pero tumalikod lang ako sa kanya. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa gilid ng kama, hinayaan ko na lang siya alam ko na naman ang sasabihin niya. "Bakit Ella? Bakit mo na naman ginawa yun?" Bakas sa boses niya ang lungkot at rinig ko din ang kanyang mahinang hikbi. Oo tama kayo ng nabasa "na naman" hindi ito ang unang beses na binalak kong tapusin ang buhay ko. Umupo na ako at humarap sa kanya, "Bakit kasi niligtas mo na naman ako? Bakit ba sa tuwing ginagawa ko yun bigla kang dumadating? Sana hinayaan mo na lang ako na mamatay! Hindi ko na kaya to, patayin niyo na lang ako!". Nabigla ako sa biglang pagdapo  ng malakas niyang sampal sa akin pisngi, ramdam ko ang hapdi ngunit wala pa to sa sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko na ito ininda muling tumulo na naman ang luha ko. "Alam kong nasasaktan ka pero hindi tama ang iniisip mo Ella, madaming tao ang nais pang mabuhay pero pinagkakaitan sila ng pagkakataon and yet you're here ending your life? Isa lang ang nawala Ella, madami pa kaming nandito sana isipin mo yung taong nagmamahal sayo! Wag kang selfish Ella!" Yun lang at umalis na siya , naiwan akong mag-isang umiiyak. 

Broken VesselWhere stories live. Discover now