Sino nga ba ang dapat piliin, yung mahal mo o mahal ka?
Nagmahal. Naiwan. Umasa. Naiwan.
Akala ko ako na. Akala ko, oras ko na. Akala ko, ako naman ang sasaya. Talo pa din ako. Ang isang libong effort ay walang katumbas sa isang yakap ng gagong yun, lalo na kung di naman ikaw ang mahal.
Nasaksihan ko lahat. Nakita ko. Babawiin ko sana ang mga nasabi ko sa kanya kanina, pero dapat pala sinabi ko na kung gaano kasakit ang akala mo iyo na, pero hindi pala. Akala ko, ako na ang mahal, hindi pala. Pero sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala. Kulang pa ba ang effort ko? Ano pa bang kulang sa akin? I guess, it's not about effort. Hindi lang talaga ako ang mahal. Isang yakap lang nun, burado lahat ng baldeng luhang niluha niya.
Naramdaman kong nagvivibrate ang phone ko. Sinagot ko ang tumatawag.
"Jana."
"Alexus. Sorry."
"Alam ko na. Goodbye Jana, and from now on, stay away from me."
Hawak ko na, nasa palad ko na, pero nagpupumilas padin para makawala. Ginawa ko lahat, pero sa huli, panakip-butas pa din pala. Umasa ako, naghintay, na ako naman, na tayo naman. Umasang love story natin to, pero hindi pala.
Nakakapagod.
It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on.
Pagod na akong magmahal. Gusto ko naman maranasang mahalin. Gusto ko naman magkaroon ng taong takot mawala ako. Pagod na akong maghintay sa wala. Effort na walang pinatutunguhan.
Hindi naman masamang umiyak, diba?
Iiyak ako ngayon lang, kahit ito lang.
Umupo ako sa park. Naramdaman ko nalang na may nagaabot ng panyo sa akin.
"Jane, thank you."
Ito na ang katapusan ng nakakapagod na pagmamahal sa taong hindi ka mahal.
I guess, this time, I go for the person, who love me more than I do..
Siguro, may happy ending ako dun.
Tiyak, may happy ending na yun..