Mission 53

1.6K 83 14
                                    

Please do votes and leave  a comment.

---
RYLEE POV

"Kuya!"napatakbo ako sa kinaroroonan ni kuya at agad siyang niyakap.

Miss na miss ko na ang kuya ko at masaya akong makita siya. It almost 8 years ng magkawalay kami at ngayon lang kami nagkita.

"Kamusta ang prinsesa namin? Namiss kita."wika niya sakin bago niya ako pinaghahalik sa mukha.

Sa mga araw na nasa loob ng hospital si kuya ay pinaimbistigahan ko siya. Inalam ko kung sino ang kumupkop sa kanya ngunit wala akong mahagalip. Matagal na akong naghahanap kay kuya ngunit tila nabura ang kanyang existence sa mundong ito. Gusto ko ng sumuko noon at isiping patay na ang kuya ngunit wala naman akong mahanap na bangkay kaya hangga't ngayon ay nagpapatuloy ako sa pag-i-imbestiga, hanggang sa isang bigla na lang may lumutang na mga impormasyon tungkol sa kuya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinasundan ko siya.

Nalaman ko na CEO pala ang kuya ko sa isang malaki at kilalang kompanya ngunit ang pinagtataka ko ay bakit di ko siya agad nahanap noon o bakit hindi man lang niya ako pinahanap.

Alam 'kong may nagtatago sa kuya at alam kong kilala niya din iyon. Kaya iyon ang kailangan 'kong itanong at malaman sa kanya. Siya lang kasi ang tanging makakasagot nito. Pero hindi muna ito ang iisipin ko. Ang kailangan 'kong isipin ay kung paano kami makakabawi ni kuya sa isa't-isa.

"Okay lang kuya. B-buti at nakita  na rin kita s-sa wakas."di ko maiwasang hindi mapahikbi dahil sa sobrang kagalakan.

Pagkadating na pagkadating ko kasi dito sa Japan ay agad 'kong tinungo ang hospital na kinaroroonan ng kuya ko. Halos talunin ko na ang pagbaba sa taxi makarating lang dito.

"Sssssh~ tahan na. Nandito na si kuya oh. Dapat masaya lang tayo."pagpapatahan niya sakin pero di ko pa rin maiwasang hindi maiyak.

"K-kuya, wag m-mo na akong iiwan p-pa."

"Ssssh~ oo. Hindi na ako mawawala pa sa tabi mo."bulong niya sakin habang hinahagod ang buhok ko.

Salamat talaga sa Diyos dahil hindi niya pinabayaan ang kuya ko. Salamat at muli niya kaming pinagtagpo.

Kumalas si kuya sa pagkakayakap namin at tsaka niya tumingin sa aking likuran.

"Tokorode, kare wa daredesu ka?"tanong niya sakin at ngayon ko lang naalala na may kasama pala ako.

Translate:By the way, who he is?

"Kare wa....."

Damn?! Ano ba ang sasabihin ko? Kinakabahan ako na ipakilala si Jace sa kuya ko. Hsst! Kung bakit ba naman kasi sumama-sama pa 'to. Sinabi na nga kasing maiwan siya eh. Tsk! Tsk!

Translate:He is...

"I'm Jace Mathew Lee. Her boyfriend."deretsong wika ni JM na ikipikit na lang ng mga mata ko.

Bakit ba ang daldal ng lalaking 'to? Kainis!

"Ohhh~ nawala lang ako tapos nagkalovelife na ang kapatid ko."panunukso ng kuya ko na inirapan ko naman.

"Kuya!"

"Hahahahaha! Kaw ha."panunukso niya na sinabayan niya pa ng tawa.

Ito na naman po si kuya. Bumalik na naman siya sa dati. Napailing na lang ako dahil sa ginagawa ng kuya ko. Okay lang na pagtawanan niya ako basta wag lang siyang mawala ulit sakin. Ba'ka di ko na kakayanin pa kapag pati si kuya ay iwan na rin ako.

"Hey baby, I'll gonna buy some foods."ngising wika ni JM na inirapan ko naman.

"Ayeeeee baby, baby, baby oh~"pang-aasar ni kuya dahil kinanta niya pa niya ang baby na kanta ni Justin Beiber.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon