December 6, 2011
It’s my 18th birthday, my debut. Pero ordinary day lang para sa akin, kasi ayoko naman siyang icelebrate. Gusto nilang magkaparty, pero hello single ang lola niyo walang boyfie. Gusto ko kasi na kapag nag-debut ako, si Erl Harris Sanchez ang escort ko. Siya ang long time crush ko, since 4th year highschool pa lang kami till now na second year college na ako.
all little things about him is making me crazy...
Same school kami ng pinapasukan ngayon, BSCOE ang kinukuha niya habang ako BSCA. One time ko siyang naging classmate nung 1st year second semester, sa Basic Economics pero ni ha ni ho walang lumabas sa amin. Maliit lang ang campus, pero ang masaklap sa isang linggong pagtambay tambay ko sa hallway with my bitchfriends one time ko lang siya masilayan. Lakas magpamiss eh!
Pero ngayong birthday ko, makita ko lang siya sapat na! EW, KORNY KO! Alam ko naman kasing hindi niya alam ang birthday ko, baka nga pati existence ko. SAKLAP!
That's why I really hate it when I had crush on him,
coz it suddenly turn into Crazy Little Thing called LOVE...
Dahil 7:30 na, kahit 8:30 pa ang pasok ko nagmamadali na ako. Looban pa kasi ang campus namin kaya I need to walk at ang magagaling kong bitchfriends pinapapasok ako ng maaga kasi mangongopya daw sila sa akin ng assignment. Tsk!
Pagpasok ko ng campus gate, hinarang na naman ako ni Kuyang Masungit na Guard pero this time hindi para sitahin ang I.D ko o ang sapatos kong pasaway kasi nakasuot ang I.D at black heels naman ang gamit ko ngayon, pero para iabot sa akin ang red rose. Red rose? Eh? Birthday ko? Ano naman yun kay kuya?
Nagdirediretso nalang ako, kasi tadtad na ako ng text galing sa mga bitchfriends ko asking kung nasaang lupalop na ako. Pagdaan ko ng Bussiness Ad. Hall, may tatlong lalaking hindi ko kilala ang humarang at nag-abot ng tig-isa roses sa akin sabay takbo. Aba loko yung mga yun aa!
Then someone bump on me, as he says sorry he gave me a rose. And I asked curiously, “what is this for?”
“I’m really sorry, are you hurt?” Ang layo ng sagot sa tanong ko ee. Tch!
“no, I’m okay.” Then he gets out of my way without answering my question. I called him once, but he just raises and waves his right hand unto me.
“Hoy Rizzy! Sang hell ka ba nanggaling?” Si Cassy. Cassandra Uy for long, ang pinaka-athletic sa aming apat na habulin din ng guys. Diyosa si ate ee, kaya ayokong nakakasama yan. Talbog ang ganda ko! LETCHE!
“Kaya nga! Pakopya na dali! Hehe.” Si Ren. Kerenza Bautista for long, ang pinakasexy at pinakatamad sa aming apat. Ewan ko ba, ba’t ang sexy nito. Di man lang nagshare.
Nilabas ko na yung notebook at hinarap na sa kanilang tatlo. Ako nga pala si Rizzy Ann Rivera, ang pinakamaganda sa lahat sa panaginip. BWAHAHA. De joke lang, average lang ako pagdating sa lahat maliban sa sports at syempre MATH.
“Teka! Ano tong roses? May something something…” si Ayn. Isabelle Ayn Thomas. Ang matalino sa aming apat, pero slow sa mga bagay bagay. Siya rin ang pinakatahimik at kasama kong NBSB sa tropa.
“Wala noh?! Di ko nga alam ba’t binigyan nila ako niyan e.”
“NILA?!” Silang tatlo. Sabay yuko, pano pinagtinginan sila ng mga students sa study center. Nag-nod lang ako.
“Dami mo namang admirers?” si Ren.
“Tatalunin mo na ba si Cassy? Naks!” nag-appear pa sila ni Ren. Si Cassy ayun, busy sa pagngongopya.