Words Unsaid Part II

1.4K 35 7
                                    

#4 One-Shot: Words Unsaid Part II

"Uy, Mikay ano na? Sagutin mo na kasi ako oh. Ang tagal ko ng naghihintay sa'yo ah." naglalakad ako papuntang classroom ng makasalubong ko na naman si Gino, kinuha pa niya sa kamay ko ang mga gamit ko

"Ano ba, Gino! Mika okay? Not Mikay.. Anong akala mo nasa Princess and I tayo? Monday na monday, Gino ha!" tinalikuran ko na siya at naglakad ulit

Nararamdaman kong sumusunod siya sakin. Aba dapat lang! Nasa kanya ang gamit ko noh. Actually 2 years na siyang nanliligaw. 4th year highschool na kami ngayon. Magkaklase na kami since gradeschool. Ewan ko, hindi kami naghihiwalay e. Ang tagal ng 2 years na yon pero ganito parin ang trato ko sa kanya. Ewan ko lang, hindi ko kasi feel. Parang lolokohin lang niya ko at saka wala akong alam sa love na yan. Nakakahiya mang sabihin pero.. NBSB ako. 

"Mikay naman e.. Sorry na. Jinojoke lang naman kita. Alam mo namang kaya kong maghintay gaano katagal.."

Nakarating na kami sa room. Nilagay naman niya ang mga gamit ko sa upuan ko.

"Mikay!!" narinig kong tawag ni Krista

"Hoy, Krista. Wag mo ngang tawaging Mikay si Mikay. Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganun. Ako lang, si Gino Angeles."

"Ano na naman ba? Masama bang gumaya? OA mo ha kaya hindi ka sinasagot ng bessy ko eh.." umupo siya sa tabi ko, si Gino naman mukhang namroblema at umupo sa may harapan ko

"Di naman ako OA. Mikay my loves, di ba? diba?" nagpuppy eyes pa siya

"Hala ewan ko sa'yo, Gino.. pumunta ka na nga sa upuan mo."

"Aish. Basta pinapangako ko, this week! Sasagutin mo na ko. Mark my words.." tapos tumawa siya na parang 'evil laugh'

Ngumisi na lang ako sa kanya tapos nagsign na parang umalis na siya. Sakto naman na kakapasok lang ng teacher.

"Goodmorning, St. Francis.."

"Good Morning, Mrs. Atienza.."

"You may take your sits.. ok get your book and turn to page 394.."

Nagtuloy-tuloy ang lessons. Ang masasabi ko lang sobrang lipad ng utak ko. Lagi ko na lang naiisip ang hinayupak na Gino n-

Ha? Iniisip ko siya? Bakit mo siya iniisip Mikay?! Wag mo nga siyang isipin.. Makinig ka sa teacher mo! Baka bumagsak ka pa.. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya gusto.

Napailing na lang ako. Grabe ang epekto sakin ng lokong Gino na yon. 

***

Dumating ang friday, ganoon pa rin ang mga pangyayari. Lagi parin akong kinukulit ni Gino tungkol sa panliligaw niya, hatid-sundo parin niya ako, hindi pa nga kami pero sinasakal na niya ko. De joke lang, hindi ako nasasakal. More on kilig ang nararamdaman ko ngayon, pero alangan naman ipahalata ko? Edi lalong lumaki ulo nitong gagong to.

Hindi ko alam. Sa haba at tagal ng paghihintay niya parang ngayon palang umipekto sakin ang charms niya. Gaya ngayon, ang astig niya tingnan. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kan-

"Matutunaw ako niyan, Mikay-my-loves.." ngumiti siya ng nakakaloko, umiwas naman ako ng tingin

"A-ang kapal naman ng mukha mo. Tinitingnan ko yung d-dun sa may side mo. Feeler ka ha."

"Sus, if I know.. may gusto ka na sakin." bigla akong kinilabutan ng bumulong siya sa tenga ko

A-ang boses niya.. Parang ang sexy pakinggan. Shit! Bakit ganito?! Ang bilis ng tibok ng puso ko parang may karera..

"L-lumayo ka nga sakin! Tangina, Gino. Naiirita ako sa'yo sa totoo lang.." naitulak ko siya

Hindi ko yun sinasadya, swear. Kusa na lang gumalaw ang mga kamay. Siguro dahil ayokong ipakita sa kanya na totoo ang sinasabi niya, siguro ayoko pang malaman niya na nagkakagusto na nga ako sakanya

One Shot: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon