Ikapitong taon na buhat nang gawing persona non grata si Shadow sa Hamza at sa kahit anong branch ng Assassin's Asylum. Ang sabi nga ng lahat, kung pinatay na ni RYJO si Shadow matapos nitong nakawin ang Brain, bakit pa niya kailangang gawing persona non grata?
Kaya noong nakaraang taon, matapos itong mahuli ng mga agent ng HQ sa Annual Elimination, doon nila nalaman kung bakit ito naging persona non grata.
Lahat ay kagustuhan ng President. Dahil kung may taong mas nakaiintindi kay Shadow, malamang na ang President na iyon. At kung magiging persona non grata nga naman si Shadow sa sarili nitong association, wala na itong dahilan para maging agent pa.
Kaya napakalaki ng utang na loob ni Josef kay RYJO at sa President magmula noon.
Nasa meeting room ng Hamza ang President na nakaupo sa kabisera, si Josef sa kanan niya, at si Armida sa tabi nito.
"You should be in this seat and not me," napakahinahong paalala ng President kay Josef.
"Kayo pa rin ang president ng Asylum, kayo ang karapat-dapat umupo diyan," sagot ng lalaki.
"Son, you're the Fuhrer. You should use your power and authority against me."
"Uncle, you know I can't do that. I owe you my life no matter what. And besides, it's just a seat. Why argue with a simple chair?" sabi ni Josef sabay sandal sa upuan niya at ngiti.
Natawa nang mahina ang President sa sinabi niya. "You've changed a lot, son. I'm proud of what you've become. I'm sure your father would be proud of you as well."
Doon na tuluyang naglaho ang ngiti ni Josef.
"Uncle, my father is dead. Nandito ako para sabihin kay Mama ang nangyari."
Nawala ang masayang aura ng President sa narinig. "Since when?"
Nagbuntonghininga si Josef bago sumagot. "Last week lang."
Tumango ang President at inilapag ang magkabilang siko niya sa mesa. "I'm sorry about that. Nasa New Zealand ngayon si Anjanette, pagdating na pagdating niya, sasabihin ko ang nangyari."
"Thanks, Uncle." Isang simpleng ngiti ang ibinigay niya sa President. "Anyway, I'm asking you a huge favor to take her to Citadel kaya personal na akong pumunta rito. Three days ko lang hihiramin si Mama, Uncle. Hindi rin kasi siya puwedeng magtagal sa Citadel. May agreement pa rin kasi between me and my grandfather. Hindi ko siya puwedeng makausap."
"I understand. Ako na ang magdadala sa kanya roon." Tumango naman ang President at tiningnan si Armida na pansin niyang kanina pa tahimik at nakatingin lang sa mesa. "Madame Zordick."
Kapansin-pansin ang pagiging malamig ni Josef sa asawa. Kung umakto nga siya magmula nang makadaupang-palad niya ang babaeng nagpakilalang si Erajin na asawa raw niya, hindi niya masabi kung bakit at paano pero hindi na niya ito makita kung paano niya ito nakikita noon.
"May problema ka ba?" tanong ni Josef sa tonong parang pilit na pilit pa.
"Wala," seryoso ring tugon nito.
Pinagmasdan ng President ang Fuhrer at may napansin ditong mali. Kung umakto kasi ito, parang hindi asawa ang katabi.
"Madame Zordick, can I talk to the Fuhrer privately? Family matter."
Matipid na nginitian ni Josef ang asawa at saglit na hinagod ang buhok nito. Sumulyap siya kay Xerez na naroon lang sa may pintuan ng conference room nakabantay.
Bilib talaga siya sa bilis ng pick up ng mga Guardian. Para bang konektado ang mga utak nila at isang tingin pa lang, alam na alam na nila ang gagawin. Hindi pa mga masalita.
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
ActionWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...