Sakay ng isang silver Porsche Cayenne sina Erajin at Mephist at tinatahak ang daan papunta sa isang restaurant kung saan daw sila magkikita-kita nina Brielle.
Tahimik lang si Erajin habang nakatanaw sa bintana. Nakikiramdam naman si Mephist, balisa kasi kanina pa ang katabi magmula nang umalis sila sa Hamza. Hindi niya alam kung tatanungin na ba o hindi pa.
Kaya nga kinailangan pa muna nilang makarating sa William's, ang restaurant kung saan naabutan nila sina Brielle at Razele na nagmemeryenda ng blueberry cheesecake.
"O? Bakit nandito pa 'yan?" pambungad na pambungad ni Brielle nang tabihan siya ng balisang si Erajin doon sa malambot na couch. "Uy, Jin, what happened?"
Nagusot lang ang mukha ni Erajin at ipinatong ang mga braso sa mesa saka isinubsob doon ang mukha.
"Arkin?" tanong ni Brielle kay Mephist na umupo naman sa tabi ni Razele. "News?"
"Gusto ko ring malaman kung ano'ng nangyari," sabi na lang ni Mephist sabay halukipkip at tingin kay Erajin na parang batang nagmumukmok sa harapan niya.
"Nagkita sila?" usisa ni Brielle.
"Yes, at kasama niya yung sinasabi n'yong pekeng Erajin. At kuhang-kuha niya ang mukha ni Jin in every angle."
"I knew it!" bulalas ni Brielle at naibagsak ang kamao sa mesa. "Malamang na pakana 'to ng mga kasama nila r'on."
"Nandoon si Xerez," dagdag ni Mephist. "Mukhang may alam siya."
"Ang reason ng pagpapatapon kay Jin ay dahil threat siya sa Fuhrer," pagsingit sa usapan ni Razele. "Tingin mo ba, Guardians ang gumawa nito para protektahan si Shadow?"
"Posible," sagot ni Mephist. "Hindi rin naman siya maghihinalang wala ang asawa niya sa Citadel kasi may kasama siyang kamukha ng asawa niya. At alam n'yo ang dahilan kung bakit hindi siya nagtataka?"
"Please tell me, it's not memory loss," aburidong sinabi ni Brielle.
Matipid na ngiti lang ang isinagot ni Mephist para sabihing iyon nga ang sagot.
"Ugh! Fuck that," inis na naibulong ni Brielle at nakasimangot nang tingnan si Erajin na parang batang nagtatampo habang nakatitig sa mesa. "Jin, ano'ng sinabi niya?"
"Kinukuha niya yung singsing ko," malungkot na sinabi ni Erajin.
"Singsing mo?" Tiningnan agad ni Brielle ang kaliwang kamay ni Erajin na nakapaling sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay nito para makita iyong maigi. "My gosh, Jin, e kahit ibenta niya 'to, wala siyang makukuha ritong pera! May damage pa!"
"Pero ang tanong, bakit niya gustong makuha kung wala naman palang halaga?" tanong ni Razele.
"O baka naman kasi 'yan talaga yung wedding ring ni Jin at nakalimutang alisin ng mga taga-Citadel," sagot ni Mephist. "Higit sa ating lahat, siya ang expert sa mga jewelry, di ba? So how come na pag-iinteresan niya 'yang singsing ni Jin kung talagang walang value."
Saglit silang natahimik. Tiningnan lang si Erajin na nakayukyok pa rin ang mukha sa mga braso roon sa mesa.
"Hindi ba nakakaramdam si Shadow na may mali sa asawa niya?" inis na tanong ni Brielle.
"Actually, Gab, kung ikaw ang nakakita sa babaeng 'yon, baka maniwala ka ring 'yon si RYJO," ani Mephist. "Even the looks of her eyes and the attitude, kuhang-kuha. She even shot a Leveler without a second thought."
"Malamang na may nangyari sa Citadel para masabi nilang threat si Jin sa Fuhrer," katwiran ni Brielle. "Three months ago nang i-declare nila na nagbago na ang heirarchy. Ang tagal na ng three months."
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
AcciónWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...