3am at biglang nagising si Ruby agad itong nag taka kung bakit, kasi sobrang sarap ng tulog nya, at pag mulat nya nakaramdam nanaman siya na may nag mamasid sakanya natakot nanaman si Ruby, at lalo siyang natakot nung nakaramdam siya ng ihi, pinipigilan nyang hindi umihi at matulog nalang ulit pero hindi nya ito kaya, tumayo si Ruby at bumaba ng hagdan at agad niyang binuksan ang ilaw sa sala at may anino na dumaan sa bintana na mahagilap nya mg tingin, pumasok nalang si Ruby ng cr at nag kunwareng walang nakita, habang naihi si Ruby ay biglang may kumatok sa pinto kinabahan si Ruby at tinapos agad ang pag ihi at pag bukas ng pinto ay.
"Mama ikaw pala, ano po ginagawa nyo dito sa baba?, nagugutom po ba kayo?"
Hindi nagsalita ang mama nya at pumasok ng cr ang nanay nya,
Habang naakyat si Ruby siya ay naka yuko dahil sa antok at kaba, habang naglalakad ay may nakita siyang paa sa harapan nya, sobrang bilis ng tibok ng puso ni Ruby, dahan dahan syang tumingin pataas hanggang sa mukha at pag tingin nya ay nanay nya pala, kinabahan lalo sya dahil naalala nya na nakita mya na ang nanay niya sa labas ng banyo,
"Oh Ruby, anong oras na gising ka padin, matulog kana at may pasok kapa, sino ba kausap mo?"
"Mama nag cr ba kayo?," kabadong boses na tanong ni Ruby
"Papunta palang ako sa cr dahil nagising ano at may kausap ka sa baba, at tinatawag mo pa na mama"
"Ah wala po mama baka po guni guni nyo lang" mahina at takot na boses
Agad siyang pumasok sa kwarto nya at napa isip siya, at biglang may ilaw sa para bang flash na nakita siya sa bintana niya, at pag silip nya sa bintana ay may lalaking naka itim at may hawak na camera, hindi nya inintindi ang lahat at natulog nalang