"Break na tayo!" Sigaw ni Kylie habang nasa apartment sila ni Ethan.
"Ayan na naman tayo sa break break na yan e. Hindi na nakakagulat, Kylie!"
"Ethan, hindi to dahil sa pag-sabak mo ng kitkat kanina! Tangina naman e!"
"E ano? Sana sabihin mo para nalalaman ko agad diba?" Sabay hawak ni Ethan sa buhok ni Kylie at hinawi para magtama ang mga mata nila.
"May nakakita daw sayo kanina. Sa may labas ng office..." Humawak si Kylie sa kamay ni Ethan, "Nambababae ka ba?"
"Mukha ba akong nambababae? Sa 24 hours na meron ang isang araw. Paki-bawas yung 9 hours na nag-ta-trabaho tayo sa kanya kanyang opisina. Hindi ba kinse oras magkasama naman tayo? Sa pagtulog, sa pag kain, sa lahat. San mo naman nasagap yang chismis na yan?"
"Kay Tina -"
"Mahal, ano pa ba ang dapat ko ibigay?"
"Wala. Wala na Ethan. Kaso..."
"May kaso pa rin?"
"Makinig ka muna kasi..."
Napahawak si Kylie sa pisngi ni Ethan. Mahal na mahal sya ni Ethan sa kabila ng 6 months na pagsasama sa isang bahay at isang taon na relasyon. Pero sadyang may hindi tama sa pag ikot ng mundo. Na kahit ano mang perpekto ng relasyon, may sisira at sisira pa rin.
"Ano yun, Kylie? Nakikinig na ko"
"Buntis ako"
Nagulat si Ethan pero masaya. Pero nakita nyang nalungkot bigla si Kylie.
"Papakasalan naman kita ee. Kelan mo gusto? Bukas? Sa makalawa? -"
"Hindi ikaw ang ama, Ethan."
BINABASA MO ANG
Give me a break - oneshot
Short Story"Give me a break for once, Ethan! Napapagod na ko!" sigaw ni Kylie. "Oh, Kitkat. Give me a break, diba?" "Tangina naman oh! Di mo ko sineseryoso!" "E ano bang gusto mo?" "Ayoko na, Ethan. Maghiwalay na tayo." ××× Ethan and Kylie. Si Kylie na uhaw sa...