Chapter three

20 3 0
                                    

“Hoy! Ano ba Kuya! Bitawan mo nga ako! Lintik na!” Napapadyak na lang ako sa sobrang inis dahil sa higpit nang pagkakahawak ng dalawa niyang alalay sa akin. Sila iyong dalawang lalaki na nakaitim at naghahanap sa akin.

Mula naman sa harap, pumukaw ang masasamang tingin nong lalaking sinapak ko kahapon. Ano ba talagang drama nito?

“Hoy! Lalaki ka ba talaga?! Para kang bading sa pinaggagawa mong 'to sa akin. Para isang sapak lang pinahanap mo pa ako.” Wala e. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at nakapagyabang na ako ng wala sa oras. Nakakabanas kasi ang isang 'to. Iyong trabaho ko hindi pa tapos. Bwiset!

“What?! Ang lakas mo rin ano? Para sapak? Huh?” Itinuro niya pa 'yong maliit niyang pasa sa pisngi. Tsk! Wala naman akong paki d'yan. Iyong akin nga dati black eye pa, hindi naman umabot sa ganito. Sadyang mahina lang ang lalaking 'to.

“Anong akala mo sa akin punching bag? You'll pay for this, you'll see.” Napahalukipkip siya at saka muling umayos ng upo. O sige! Mananagot pala tss.

“Ikaw itong makapal ang mukha. Ipapakulong ikaw naman ang nagpasimuno ng away. ” Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ng hinayupak na 'to. Magpapaliwanag ako mamaya sa mga police. Bakit? Sino ba siya para kontrolin ang hustisya?

Nagpalinga-linga ako sa bintana nang huminto ang sinasakyan namin. Nasa presinto na kami.

“Isunod niyo siya sa akin pagkapasok ko.” Binuksan niya ang pinto saka mala prinsipeng naglakad papasok. Samantalang ako, parang palaboy lang na hinahatak-hatak kung saan nila gusto pumunta.

“Pwedeng dahan-dahan?! Palakarin niyo naman ako ng maayos!” bulyaw ko sa kanila. Pero mukhang wala silang paki' sa akin at nagpatuloy lang sila sa pagkaladkad sa akin. Napapatingin na rin ang iba pang mga taong nakakakita sa amin. Nagmumukha akong killer nito e! Simpleng pagsapak lang naman ang ginawa ko.

Pagpasok namin sa loob, bumungad sa amin ang mga police na nakaupo sa kanya-kanyang lamesa. Ang iba ay may kinakausap na kliyente, ang iba'y may kausap sa telepono at ang iba naman ay naglalakad-lakad para tignan ang ilang selda. Maingay sa loob dahil sa mga preso. Ang iba kasi'y nag-aasaran. Marami ring tao dito sa loob kaya medyo maalinsangan—pero sanay naman na ako.

Dumiretso kami sa isang office, at nagaabang doon 'yong lalaki kanina at isa pang matandang lalaki na nakabihis police. Ewan ko ba, pero may pakiramdam akong may masamang mangyayari sa akin dito sa loob. Ngising-ngisi kasi 'yong lampa. Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka humarap sa matandang mama.

“Bossing hindi po talaga ako ang may sala rito—iyang lalaking 'yan ang nagsimula!”  Dahil hindi ko maigalaw ang dalawa kong kamay dahil sa dalawang tukmol na humahawak sa akin, inginuso ko na lang siya. Napaangat lang ito ng kilay na para bang gumagawa lang ako ng kwento.

“You're the one who  punched me—this is my proof.”Itinuro niya ulit ang katiting na pasa sa mukha niya. Napatango-tango naman 'yong mamang pulis. Napangiwi na lang ako dahil sa kaartehan niya.

“Dapat lang 'yan   sa' yo. Sino ba namang matinong lalaki ang mangha...ano...” Napakamot ako ng batok. Paano ko ba sasabihin 'to. Hinila niya ako saka pinagsamantalahan ang mga labi ko? Nakakakilabot, ayoko ng alalahanin 'yon.

“Basta! Walang-hiya ka!” Muli akong nagpumiglas at pinilit i-abot ang mga paa ko sa kanya. Kahit isang tadyak lang sana.

“Hay, nakakainip na rito. 'Kaw ng bahala rito chief.” Isuksok niya ang kanang kamay sa bulsa at saka tumayo. Walang emosyon siyang humarap at tumingin ng diretso sa akin.

“This is your karma, lady?—siguro transgender ka? Anyway, goodluck na lang.” Tumalikod na siya saka iwinagay-way ang kaliwang kamay na parang nagpapaalam. Binitawan naman na ako nung dalawang lalaki at sumunod sa kaniya.

“Villiermo, ipasok mo na ito ro'n,” utos nung mamang police.  Napatayo naman ako sa gulat. Bakit ako ikukulong?

“Boss, bakit naman ganito? Siya naman talaga iyong may kasalanan e.” Hindi ako pinansin nito at kinuha lang ang diyaryo na nakalapag sa kanyang mesa. Napatingin din ako ro'n, at may nakita akong makapal na sobre. Naningkit ang mga mata ko. Binayaran siya!

“Tangina! Kaya naman pala e!” Hindi ko na talaga napigil ang pagmumura dahil sa inis. Walang kwenta.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay agad akong sumalampak sa gilid. Alam kong matagal-tagal pa ako rito, nararamdaman ko. Pero hindi iyon ang ipinagaalala ko. Sila inay, itay at ang mga kapatid ko? Paano na sila? Paniguradong magaalala silang lahat kapag hindi ako makakauwi mamaya. Pero paano ako makakalabas?

Ilang araw na ang nakalipat at nandito pa rin ako sa loob. Nalaman na rin nila inay ang nangyari at dinadalaw-dalaw nila ako para bigyan ng pagkain. Tumatanggi na lang ako dahil may ibinibigay naman dito, at saka mas kailangan nila 'yon.

Kakaalis lang ni inay ngayong tanghali. Gusto ko ng umuwi. Nakita ko kanina ang mukha ni inay. Hinang-hina na talaga siya. Bukod kasi sa ilang araw siyang walang tulog dahil sa pagaasikaso kay itay, pagod din siya sa paglalako ng basahan. Naaawa ako sa kanya, kay itay, sa mga kapatid ko, at sa buhay namin.

“Hay pogi! Sinong hinahanap mo?”

“Uy! Ang sunget mo naman. Sino bang hanap mo pogi?”

“Can you please shut up your mouth! Hindi kita kinakausap!” Salubong ang mga kilay nitong binalingan ang babaeng kasama ko sa selda. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Nahagip naman niya ako at napatingin sa akin.

“Hey!”

Lumapit ako sa kanya. “Ano pang ginagawa mo rito?” Inis kong tanong. Pinasadahan ko siya ng tingin mula sa paa hanggang sa magkasalubong ang mga mata namin.

“Naligaw ka 'ata.” Nakangising sambit ko. Hindi siya nag-react, ni nagsalita. Tinignan niya lang ako.

“Ano?” Biglang pumantay ang mga labi ko.

“I'm here 'cause—” Naputol ang sasabihin niya nang may biglang umeksenang matanda sa tabi niya. Pinagmasdan ko ito, at sa tantiya ko nasa pagitan ito ng sinkuwenta hanggang sesenta. Balbas sarado ito, matangkad, malaki ang pangangatawan at halata rin sa mukha nitong may lahi ito.

“He's here to apologise,” sabit niya at saka tinapik ang balikat nung lalaki. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi kaya mag-ama ang dalawang 'to?

Napabuntong hininga ako bago nagsalita. “Hindi naman ho sa binabastos ko ang pagpunta n'yo, pero mas mabuti sanang hindi na kayo pumunta pa. At isa pa, alam ko namang hindi bukal sa loob ng isang ito kapag humingi siya ngayon ng tawad sa akin.” Ipinukol ko ang tingin ko sa lalaking nagpakulong sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na nagpipigil siya. Ano? Naduduwag ba siya sa tatay niya?—Baka kasi tatay niya talaga.

“At least I came here for you to apologise.” Nakapamulsa pa siya habang sinasabi iyon at pasipol-sipol 'tsaka titingin sa akin na para bang  dapat magpasalamat pa ako na hihingi siya ng tawad. Bakit himala ba 'yon?!

“By the way, tutal nakialam na ako. I'd search information about your background. And based on it wala kang permanenteng trabaho, and you have a big family. So napagplanuhan kong ipasok ka ng trabaho, ‘don't worry hindi ito tulong, kabayaran ito sa ginawang perwisyo ng anak ko.” Ang totoo hindi maamo ang mukha ng matandang lalaki. Mukha itong seryoso at galit, pero iba ang paraan ng pananalita niya. Mabait.

“Huwag mo sanang tanggihan...” Napabuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Trabaho? Permanente na?

“Sana tumanggi ka...”

Dapat talaga sasaya na ako, kaya lang at narinig ko ang impit na panalangin nung hinayupak na lalaking iyon. Magkadikit pa ang mga palad niya at nakayuko. Aba!

Napaangat ang isang sulok ng labi ko dahil sa ginagawa niya bago muling bumaling sa matanda.

“S-salamat ho.” Ayokong tumanggi, kahit anong trabaho 'ata papatusin ko basta marangal at hindi kailangang sumugal. Sana maayos naman ang trabahong ia-alok sa akin.

“Tsk! Tsk! Tsk!” Iiling-iling naman na tumingin 'yong lalaki  sa paligid. Hindi ko na lang pinansin ito at nagpokus sa inaalok na trabaho sa akin nung matanda.

When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon