My three day ICON lovestory

32 6 17
                                    

(ICON- Internatinal Conference)
(YFC- Youth For Christ)

April 5, 2019.
Dear diary,
     Excited akong nag paalam kanina kina mama dahil may conference kaming pupuntahan. Bilang miyembro ng YFC-Arakan Chapter, it's my pleasure to attend a youth camp. Mas nakaka excite nga lang ngayon kase international youth camp at siyempre kasama si crush. Hehe.
    Kanina diary bago kami umalis, nakita ko siyang sumakay ng motorcycle niya. Gosh! He's so cute! Kaya lang medyo nalungkot ako kase sa ibang bus siya sumakay. Hays. Sayang nga, e. Bahala na. Marami pa naman akong crush.
    Pagdating namin ng Davao diary, andaming tao! Sabi ng emcees, 7000 daw lahat ng delegates. Nakaka heart whelming pala kase maraming kabataan ang nag wo-worship kay Papa God. Fast forward: unang araw pa lang diary, marami na agad akong natutunan dahil marami-rami din kaming ginawa. Kaya nung pauwi na kami sa aming tinutuluyan na bahay sa Davao, napagod kami agad-agad. Di ko tuloy masyadong nakita crush ko. Ngayon diary, nag pe-prepare na kaming matulog. We will going to have a long day tomorrow!

Love,
Gwenneth Jean Celeste

------------------
April 6, 2019
Dear Diary,
      Waaaah! I can't contain my happiness diary! Eeeeh! Eh kese nemen se cresh eh. Haha! 'De, ano talaga yun kanina kasi diary, hinati-hati kami sa iba't-ibang grupo at sa kabutihangb palad, magkasama kami ni crush! Hihi. Opo, si Levi po! Yieee. Swerte ko po talaga ngayong araw kase lima lang kami sa grupo. Kasama nin yung nakababata niyang kapatid. So ayun na nga po, yung ibang kasamahan namin, sa Holy Cross sila naka assign para sa second session habang kami naman pong lima sa Philippine Women's Collage. Malayo po kami sa venue kaya kailangang sumakay pa ng taxi! Fortunately, magkatabi po kami sa taxi at saka para pong kami yung nanay at tatay kasi kami lang po dalawa ang medyo matatanda na ih. Yiee! Kinilig po talaga ako diary!
Ang memorable po talaga ng araw ko ngayon diary.   
     Marami akong natutunan sa workshop diary! Ang dami ko na rin pong kaibigan mula sa iba't ibang lugar. Ang sasaya nilang lahat. Syempre ako din po kase nung pabalik na kami, mag katabi ulit kami ng mga 35 mins. Eh kasi traffic e! Kaya medyo matagal. Hehe. Okay lang naman sakin.
At saka diary, nahihiya na ako sa kanya. Yung mga kasamahan kase namin tinutukso ako kay Levi. Pati nga yung kapatid ni crush tinutukso kami. Ayaw ko talagang tinutukso ako sa crush ko kasi mahuhulog yung loob ko. Ayaw ko nun. Masakit. Kahit 17 yrs old na ako, di parin ako naniniwala sa love, diary. Haaay. Ewan ko ba. Nandito kami ngayon sa bus diary. Dalawang tao lang ang pagitan namin ni crush. Dito ako sumakay kasi yung isang kasamahan namin nabunggo at nagka bukol sa ulo at ako ang gumamot. Haha! Kawawa nga siya e, pinagtatawanan ng mga kasamahan ko. Ang saya ng araw ko ngayon diary. Sana di na matapos ito. God is so good♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ICONWhere stories live. Discover now