Tok, Tok, Tok

300 6 7
                                    

Tok, tok, tok, pusong marupok
Lagay mo'y kamusta na?
Mga nangyari noong nagdaang taon
Ay nakalimutan mo na ba?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Handa ka na bang muli
Upang sumubok magmahal
At, katok sa kahoy, masawi?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Sapat na ba ang panahon?
Naghilom na ba ang mga sugat
Na dulot ng kahapon?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Kung ikaw ay handa na
Mayroong nagbabakasakaling
Sa iyo ay mag-alaga

Tok, tok, tok, pusong marupok
Naghihintay
Nag-aabang
May kumakatok, tok, tok, tok

Pulang Pluma (Filipino Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon