Kabanata 37

543 11 1
                                    


Florens POV

Magdamag kong binantayan si Dylan. He has no more family para magbantay sa kanya. Tanging yung kapatid niya nalang na si Jane ang natira sa kanya.

I never left him in his room. Hinayaan ko lang siyang matulog. Grabe, sobrang himbing ng tulog niya. Sana nga talaga natutulog lang siya. But sadly, walang kahit anong trace na kahit anong oras magigising siya.

"Dylan...." I whispered to myself as if he can hear me

Humakbang ako papalapit sa kama niya. Walang bahid ng kasamaan ang mukha niya ngayon. Napaka inosente kung titingnan mo.

"Bro, wake up. I know we can still figure things out. We can still start what we have started." saad ko

I look like a crazy idiot, talking to someone who can't hear me.

I chuckled.

Panay lang ang tunog ng makina na nakakabit sa kanya. Pinagsabay rin ang dalawang bag ng dugong sinalin sa kanya para mahabol ng katawan niya ang sistema nito. Sabi ng doktor, masyado ng late nung madala siya sa ospital dahil sobrang dami na ng dugong nawala sa kanya.

I never imagined that something like this would happen.

Great things really happen unexpectedly.

Bumalik nalang ako sa upuan ko at sumandal. I took a deep sigh as I turned my head on my left side. Nakita ko dun ang duguang damit ko nung buhatin namin siyang dalawa ni Adrian. Para rin akong may sugat kung titingnan. Naging pula na ang kulay ng T-shirt kung kulay gray dahil sa dugo ni Dylan.

Pumikit nalang ako. Gusto kong takasan ang sitwasyon namin ngayon.
Sana panaginip lang lahat. Sana hindi ito totoo.

Reality sucks. Masyadong masakit mabuhay sa reyalidad. Masyadong mapanganib. Masyadong unfair. Napakatraydor.

Ang mga bagay na nagpapasaya sayo ay pilit na nilalayo ng tadhana. Ang bagay na pinakaiingatan mo ay pilit na sisirain.

Ang gulo ng buhay. Wala na atang matinong bagay na mangyayari ngayon. Puro kaguluhan at kapahamakan.

Kailan paba tayo sasaya?

Kailan natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan?

Kinabukasan, nagising nalang ako nang ginising ako ni Edward.

"Too early, bro." saad ko sa kanya then I yawn

"Too early ka diyan, 8 am na oh!" sigaw ni saken matapos sumulyap sa wrist watch niya

Napatingin din ako sa relo ko. He's damn right! Masyado ata akong late nakatulog kagabi.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Raniella, gising na pala siya.

Nagkatinginan lang kami ni Edward pero wala sa'ming dalawa ang nagtangkang magsalita.

"Ran..." mahina kong saad

Balak ko sana siyang lapitan pero pinigilan ako ni Edward.

"Hayaan mo muna siya." bulong niya saken

Raniella slowly walk towards Dylan's direction. Unti-unti na ring tumutulo ang mga luha niya.

Nang makalapit na siya sa kama ni Dylan, humagulhol na siya ng iyak at niyakap ito.

Raniella is really a good girl. Kung ako yan, hindi ko yayakapin si Dylan. Tutuluyan ko pa siguro siya pag nagkataon. But Raniella is different. She's too kind para gawin ang bagay na yun.

"Tara, umalis na muna tayo. Bigyan natin siya ng panahon." pagkasabi niya nun, lumabas narin kami agad

Maybe Edward is right. Kailangan niya ng sapat na panahon para kay Dylan. Hindi natin alam kung ito na ba ang huli nilang pagkakataon sa isa't isa. Baka kasi hindi na magising pa si Dylan.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon