Warren's POVHabang nasa condo kami ni John, bigla nalang tumawag si Tito Ken. Hindi niya raw kasi makontak si Kent kanina pa.
Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko rin makontak si Kent. Totoo naman yun, kanina ko pa nga siya tinatawagan dahil sandali ko lang siyang nakita dun sa ospital. Hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta.
Balita ko kasi, nagkasagutan daw kasi sila ni Karyll kaya umalis na muna siya.
"Bro, alam mo ba kung nasaan si Kent ngayon?" nagseryoso ako habang nakatingin kay John na nakahiga sa sofa
Nakapikit siya habang nasa noo yung braso niya.
"Malay ko. Hindi ko alam." matipid niyang sagot pero hindi parin binuksan ang mga mata
Aba, pilosopo ata ang isang to ngayon ah!
Tumahimik nalang muna ako at nag-isip hanggang sa magsalita si John.
"Himala! Seryoso ka ata ngayon ah! Mas gusto ko kapag ganyan ka, hindi nakakadiri!" tapos tumawa siya
Tiningnan ko siya
Nakangiti parin ang gago. Para bang nakakatawa talaga yung pagiging seryoso ko ngayon.
"Bakit, hindi na ba ako pweding mag seryoso?" tanong ko sa kanya na ikinatigil niya
Ako naman ang may nakakalokong ngisi ngayon.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Umasta ako na parang bakla kaya napapaatras siya.
"Gusto mo...., Darling nalang kita forever?" pang aasar ko sa kanya
Bigla nalang niyang tinapik ang sugat ko sa tiyan kaya ako naman ang napaatras.
"Kadiri naman oh! Kalalaking tao pero malandi, pwe!" saad niya tapos kunwari nasusuka
"Yan, kapag nagbabakla-baklaan ako; ayaw mo! Kapag seryoso, ayaw mo rin! Yung totoo bro, choco na gatas o gatas na choco?" sambit ko at umayos ng upo
"Umayos ka nga! Puro ka kalokohan!" bulyaw niya
"Makakuha na nga ng tubig!" siya at tumayo na
"Sige, kumuha ka lang. Nakakahiya naman sayo na may-ari ng condong to." pahabol kong sigaw sa kanya habang naglalakad siya papunta sa kusina
Pambihira! Ako pa ata tong nakikutuloy dito eh!
Pagbalik niya, seryoso ko siyang tiningnan. Nilapag niya sa mesa yung dala niyang pitsel at baso.
"Yan, magpalamig ka muna para naman magkaroon ka ng matinong sasabihin." saad niya
Hindi ako umimik. Naisip ko kasi ang mga nangyayari.
Hindi na maganda ang mga nangyayari ngayon. It's too complicated."What are you thinking? You look serious." tiningnan niya ako
Buti naman at nag seryoso narin siya.
"Ang gulo na kasi ng mga bagay-bagay ngayon, bro. Napansin mo rin ba?" tanong ko sa kanya
"Yeah, I know. Pero alam mo naman kung sino ang mas apektado ngayon, diba?" naisip ko si Kent at Raniella
Tama. Higit kanino man, sila ang mas naaapektuhan ngayon. All we can do is to give them comfort as a friend. Wala kaming ibang magawa kundi tulungan at suportahan sila lalo na si Kent, napansin ko na mukhang nade-depressed siya ngayon.
Galit na galit siya sa mga taong involve sa pananakit kay Tito Ken lalo na kay Raniella.
"Ang magagawa lang natin ay iparamdam sa kanila na nandito lang tayo." saad ni John
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Genç KurguTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.