Chapter 6 - Backing Off
"So, nasaan ang kwarto namin?" tanong ni Dave at humikab. Pinuntahan na ng mag-asawang si Jahara at Ivan ang kanilang anak na nasa pasilidad ng Verson University at ginagamot na ang balikat na tinamaan ng baril. Si Samantha at ang kaniyang ina ay inasikaso naman ang walang malay na si Stephanie.
"Seriously? No clarifications? Objections?" di-makapaniwalang tanong ni Blake.
"Meron. Marami. Gagawa pa kami ng listahan," walang ganang sagot ni Blanche. Tumayo na rin siya. "But for now, we need rest. The sun hasn't come out yet."
"Saka wala pa kami sa matinong utak para magdesisyon, we might regret it if we rush things," sagot ni Draico.
"Wala ka naman talagang matinong utak," biro sa kaniya ni Dave. Sumimangot ang binata kaya tumawa si Dave.
"Okay, we'll talk about your conditions later. For now, please follow the maids for your rooms," sabi ni Altecia at tumayo na rin. Nagising siya mula sa isang malalim na tulog dahil sa pambubulabog ng mga bisita. Gayunpaman, natutuwa siya dahil mukhang may panibagong pag-asang kumatok sa kanilang pinto.
Tumungo na sila sa kanilang mga kwarto. Hiwalay ang kwarto ng mga babae at lalaki. May apat na kama sa bawat kwarto at may tig-iisang banyo. Naroroon na rin ang kanilang mga bagahe.
"Matagal na ring di nakakatulog ang gwapoooo," sabi ni Draico at agad na tumalon kahit hindi pa tinatanggal ang sapatos.
"Hoy, magbihis ka muna!" sabi ni Natasha at hinampas ang lalaki ng unan ngunit hindi na ito gumalaw. Malalalim na ang hininga nito at hindi na gumigising.
"Diyan ba siya matutulog? Kwarto ng mga babae ito," sabi ni Grace.
"Well, he might not be a man after all," sabat ni Blanche at tumawa. Nakitawa na rin ang mga babae sa loob.
Nagbihis na ang lahat at humiga ngunit nanatiling tulala si Natasha sa kaniyang higaan. Mahimbing na ang tulog ng lahat ngunit siya'y dilat na dilat pa rin ang mga mata.
Biglang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto at iniluwa si Samantha, Gianna, at Jahara na pagod ang mga mukha. Agad lumapit si Samantha kay Natasha at humiga sa kaniyang tabi.
"Can't sleep?" tanong ni Samantha.
"I guess," sagot ni Natasha. Nilingon niya ang katabi. "How's Stephanie?"
"She's still alive," walang ganang sagot ni Samantha. Kahit ayaw niya sa kapatid, nakahinga pa rin siya ng maluwag dahil hindi naman malala ang kondisyon nito.
"That's good to hear," sagot niya at tumalikod.
"Hindi mo ba kukumustahin si Joules?" mapang-asar na tanong ni Samantha at ngumisi.
"He's fine."
"Pero di ka makatulog?"
"I-I might be suffering with insomnia."
"Sus, go see the guy already. Sundan mo lang ang pasilyo at lumiko ka sa kanan saka kumaliwa. It won't be hard since the room is labeled."
Hindi pa rin kumilos si Natasha sa kaniyang hinihigaan at tinitimbang pa ang dapat gawin. Alam niyang walang mali sa pag-aalala para sa kaibigan. Ang tanong, isang kaibigan nga ba para sa kaniya?
"Get your ass off now. Hindi ka pa rin ba nakakamove-on? For Pete's sake, highschool pa tayo 'non. Isn't it just a puppy love?" tanong ng inaantok na si Samantha. "But you should know this, Natasha. Sa sitwasyon natin ngayon, wala ka nang magagawa kundi magpakatotoo. Umiikli ang oras, ang sa akin lang, di na uso ang pagsisisi sa huli. Sige ka at maunahan ka ng tadhana."

BINABASA MO ANG
Verson University: School of Doctors
Misterio / SuspensoThis is the third & last book of the Wendigo Psychosis Trilogy. Please read the first and second book before proceeding. Humans are ambitious. We aim for progression, but look at us now. We are toxic. Poisonous. We ended up spitting venom on our own...