Chapter four

17 3 0
                                    

Nitong mga nakaraang araw, napansin ko ang pagkakasunod-sunod ng mga kamalasang naranasan ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay may suwerte rin naman ako.

“Anak, mapagkakatiwalaan naman ba 'yang nagaalok sa 'yo ng trabaho. Eh baka mamaya may masama pa lang balak sa 'yo 'yan.” Lumapit si inay sa akin at ipinatong ang kamay sa ulo ko.

Napaigtad ako.“‘Nay, ano bang ginagawa niyo?” gulat na tanong ko. Maski siya ay nagulat sa ginawa ko. “Aba e, susuklayan 'yang parang iskuba mong buhok.” Ipinakita niya sa akin ang bungal-bungal  naming suklay dahil sa kalumaan.

Napanguso ako at kunwaring nasaktan sa sinabi niya. “Grabe ka naman ‘nay.”

“Amin na, at susuklayan ko.” Wala na akong nagawa at inilapit ko na lang ang ulo ko sa kaniya.

Ilang minuto ang nakalipas pero nanatili pa rin kami sa puwestong iyon.

“Aray naman 'nay!” Napangiwi ako.

“Ano ba namang klaseng buhok ito anak! Sa susunod magsuklay ka na.” Pati si inay at naiinis na rin sa pagsusuklay. Hays!

“Para po, Manong!”

Bumaba na ako ng trycicle na sinakyan ko. Inabot ko muna ang sampung pisong pamasahe ko Kay manong driver.

[MURRAY CORPORATION] ang nakalagay sa harap ng building. Dito rin sa lugar na ito ako pinagtripan ng walang hiyang lalaking 'yon.

“Ipapasok kaya nila akong Janitress? Kahit 'yon lang ayos na.” Inayos ko ng bahagya ang basa kong buhok. Sabi kasi ni inay maglugay daw ako. Kainis nga e! Nangangati ako.

Napapikit ako kasabay ng malalim na paghinga  bago nagpasyang pumasok sa loob. Ang akala ko makakapasok agad ako sa loob. Kaya lang ay nasa pasukan pa lang ako, bigla akong hinarang nung guard.

“K-kuya, pinapapunta ako nung may-ari. Si Mr. Sebastian Murray po,” sambit ko.

Tumingin muna sa akin 'yong guard. Napaanga't baba pa! Anong akala niya sa akin?

“Itatawag ko muna.” Pumunta siya sa may maliit niyang mesa na nakapuwesto naman sa gilid at saka inabot ang teleponong nakalapag roon.

“Si Salvador po ito sir, guard. May babae po kasing nandirito sa harapan ng building, ang sabi ay pinapapunta niyo raw.” Pinanood ko lang ang paguusap nung guard at ni Mr. Sebastian sa kabilang linya. Mayamaya lumapit na 'yong guard sa akin.

“Pasok na.” Pagkasabi niya non ay agad akong dumeretso papasok. At dahil malaki ang establisyementong ito, nagtanong-tanong ako sa mga empleyadong nadaraanan ko, hanggang sa ito na nga nakarating din ako sa office na sinasabi ni Sir Sebastian. Kumatok ako.

“Come in.”

Dahan-dahan Kong binuksan ang pinto, nanginginig pa ang mga kamay ko. Pagkapasok ko sa loob, ang unang bumungad sa akin ay ang nakaupo at seryosong mukha nung walang hiyang lalaki. Halos magkasalubong ang kilay ko. Ang akala ko si Mr. Sebastian ang maaabutan ko.

“Miss Trinica Jane Perfectua, salamat at dumating ka.”

Napahinga ako ng maluwag nang mamataan ko ang matanda sa gilid at prenteng nakaupo. Yumuko ako nang kaunti.

“Magandang tanghali po,” pagbati ko. Itinuro naman niya ang upuan sa may harapan niya. Doon ako naupo.

“So we were going to discuss about your employment. ” Nagsimula na siyang magsalita. Napatingin naman ako sa lalaking nasa lamesa. Panaka-nakang tumitingin siya sa gawi namin. At may pagkakataon pa na nagtatama ang mga mata namin. Panay ang paulan niya ng mga masasamang tingin sa akin. Ang kapal din ng isang 'to!

“Humihingi talaga ako ng patawad sa perwisyo na binigay sa 'yo ng anak ko. Bata pa lang talaga hindi na madisiplina ang batang 'yan—”

“What the heck! I'm already 26 yearsold!” Nagdadabog na apila naman nung lalaki.

“Shut up, Dion Murray!”Pinandilatan siya ni Mr. Sebastian.

So Dion pala ang pangalan ng baklang 'to. At teka nga—26 na raw siya? Hindi halata, mukha siyang five yearsold sa pagiging isip-bata niya. Tss.

Natahimik si Dion at napahalukipkip na lang sa kanyang mesa.  Gusto kong matawa sa reaksiyon niyang iyon. Nakakatawa lang na isiping ang yabang-yabang niya pero tiklop naman pagdating sa kanyang ama.

“Sana ay magustuhan mo ang trabahong i-aalok ko sa 'yo...” Kung alam niyo lang po kanina ko pa hinihinray na sabihin kung ano ang magiging trabaho ko.Napalunok ako.

“Your job is to be his disciplinary for 5 years. At kapag natapos mo na ang kontratang iyon I'll hire you as a regular employee, here in my company.”

Todo ang ngiti ko nang matapos niyang sabihin ang regular employee, here in my company. Pero bakit parang may mali? Disciplinary?

Unti-unting bumagsak ang mga ngiti ko. Anong ibig niyang sabihin na magiging disciplinary ako ng Dion na 'yon?

“He's my only son, at ayoko namang mapariwara ang mga kompanyang ipapamana ko dahil sa paguugali niyang 'yan. Alam kong walang sino man ang makakapagpatino sa kanya—ipinasok ko na rin siya sa military pero mas lumala pa ang katigasan ng ulo niya.”

Napasulyap ako sa kinaroroonan nung Dion. Sa tanda at laki niyang tao kailangan niya pa ng disciplinary? Bakit hindi na siya madisiplina ng kanyang ama? Bakit ako? Ayokong maging nanay niya 'no?! Para akong mag-aalaga ng damulag na nasa edad lima pa lang.

“Pagiisipan ko po—” Pinutol niya ang sa sabihin ko.

“Your  salary for a month was 20. 000.00. Tatanggapin mo na?”

Halos mapanganga at mapatulo laway ako da harapan ni Mr. Sebastian. Juskupo! Totoo ba?

“P-po?” Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil doon. Twenty thousand sa isang buwan. Napakalaking halaga non! Ni minsan sa buhay ko hindi ako nakahawak ng ganoon' kalaking pera. Napalunok ako. Iniisip ko pa lang kung ano ang magiging buhay ng pamilya ko kapag tinanggap ko ang trabahong ito, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Hindi na ako mahihirapan sa pagpapagamot ka itay, pati ang pag-aaral ng mga kapatid ko ay mapapadali na lang.

“Dad, hindi ko kailangan ng disciplinary! Kayang-kaya ko namang patakbuhin itong kumpanya!”
Napatingin kami pareho ni Sir Sebastian Kay Dion na nakatayo na at halos magkasalubong na rin ang kilay. Namumula na ang mukha niya sa galit. Napatingin siya sa kaniyang ama at saka sa akin. Sa akin nagtagal ang tingin niya, saka padabog na umalis dito sa loob ng office.

“Sorry for his attitude, ganoon talaga siya. So what's your answer for my offer?” Tanong niya.

“T-tatanggapin ko na ho.”

--------------------------------------
When He Fall by Perfecta_8

When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon