CHAPTER 5

10.6K 202 3
                                    


CHAPTER FIVE

NG MAKAPASOK sa kwarto niya ay wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang labi. Humiga siya sa kaniyang kama "he kiss me." She whispered to herself.

Hindi naman sa first kiss niya yun, hindi lang talaga niya alam sa sarili kung bakit parang gusto niya ulit tikman ang mga labi nito. Agad niyang tinampal ang sariling mukha ng dahil sa kung ano-anong imaheng lumalabas sa kaniyang isipan, imaheng naghahalikan silang dalawa ng kaniyang amo.

Tumigil ka Deang, tumigil ka! Mag-unos dili ka! Suway niya sa kaniyang sarili.

Kailangan niyang pigilan ang sarili, hindi siya pwedeng magpadala sa mapanuksong labi nito, hindi pwede, hindi pwede.  Pilit niyang iwinaksi sa kaniyang isipan ang mga bagay na yun at pinikit ang kaniyang mga mata. Pero sadya yatang ayaw nang mabura sa isipan niya ang labi nitong natikman niya.

Pilit niyang kinumbinsi ang sariling matulog, pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Bumangon siya sa pagkakahiga at lumabas ng kaniyang kwarto, nagtungo siyang kusina saka nagtimpla ng gatas na binili niya kahapon, habang nagtitimpla siya ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang labi ng amo.

Marahas siyang napailing-iling "No Deang stop it! Its just a kiss, at hindi na mauulit yun." Saad niya sa kaniyang sarili, she sighed in irritation when she remember the kiss again "kasalanan mo ito Sir, dahil sa halik mo hindi na mawalawala pa ang labi mo sa utak ko!" Iritang saad niya pa sa sarili.

Nagmu-mukha na siyang baliw sa kinatatayuan niya habang kinakausap ang sarili. Nang tapos na siya sa pakikipag-usap sa sarili ay mabilis niyang nilagok ang gatas na nasobrahan ata sa paghahalo.

"Fuck!" She cursed when she remember the kiss again and again "Why are you driving me crazy like this Sir? Dahil sa halik mo para na akong baliw." Iritang saad na naman niya sa kaniyang sarili.

Your lips Sir.

LUMIPAS ANG MGA araw, linggo at ngayon isang buwan na. Isang buwan na siyang nagsisilbi para dito. Palagi siyang pagod at hindi na rin nakakain sa tamang oras, naiilang na din siya sa kaniyang amo simula ng gabing yun, pansin din naman niya ang pag-iwas nito sa kaniya.

Minsan nga kapag nasa sala ang amo at napadaan lang siya ay bigla bigla na lang itong umaalis. Mas mabuti na din na umiiwas ito sa kaniya kundi lalo lang siyang maiilang dito. Minsan din kapag kumain ito at pinagsisilbihan niya ay magu-utos ito ng kung ano-ano.

Hays... kung hindi ko lang kailangan ng pera baka lumayas na ako dito.

"Deang paki-linis pala ng kwarto ko." Rinig niyang utos nito sa kaniya.

Kakababa lang nito mula sa taas, at mukhang kaliligo lang din nito dahil basa pa ang buhok nito. Napaka-gwapo talaga ng kaniyang amo, kung katulad lang siguro siya ng ibang babae, baka matagal na siyang nahimatay sa kilig sa tuwing makikita ito.

She looked at him head to toe "saan ka po pupunta Sir?" She asked.

Naka-suot kasi ito ng manipis at puti na sando shirt, kitang kita ang malalaki nitong muscles, bakat din ang abs nito dahil sa sobrang pagkaka-hapit ng sando, sa pang-ibaba naman ay naka-suot lang ito ng grey jogging pants, and he looks so damn hot.

Nag-inat naman ang binata "Magjo-jogging ako diyan sa park." Sagot nito at nilagpasan siya "By the way, pakikuha pala ang blue tumbler ko sa ref." Utos nito sa kaniya na agad naman niyang sinunod.

RICH MAN 1: Andrei Amezquita -COMPLETEDWhere stories live. Discover now