Miruelle
I couldn't stop looking at myself in the mirror. Its been 3 months since I arrived here without any expectations except for living an ordinary life just like other girls. Pero sabi nga nila unexpected things always happened.
I found a new family here and most of all a love from unexpected person.
For the past 3 months naging maayos ang simpleng pamumuhay ko dito. Kahit nung una ay medyo hindi maiwasang special treatment nila sa akin. Pero dahil na rin sa paulit-ulit ko na pakiusap na ituring nila akong gaya nila ay pinagbigyan na rin nila ako.
In short I'm living just like them. Gigising nang maaga para makapagluto ng almusal, pupunta sa hardin kasama si lola Mareng para magbungkal, dilig at magpunla.
Pagdating naman ng hapon pagkatapos ng tanghalian ay nagsisiyesta kami. Ngunit minsan ang oras na yun ay ginagamit ko para magbasa o kaya naman ay magpinta.
Syempre hindi din pumapalya si Matt na dalawin ako.Noong mga nakaraang linggo kase ay naging abala siyang tulungan ang tunay niyang papa. Kaya madalang na lamang siya makauwi dito sa mama niya.
Pero ganun pa man ay hindi siya nagkulang ipadama sa akin ang pagmamahal niya.
Araw-araw niya akong hinaharana na tila ba ay nanliligaw pa rin. Dinadalhan niya ako ng mga pagkain na siya namang pinagsasaluhan namin.
Tulad ngayon, may dala siyang mga prutas. Na siyang kinakain namin ngayon dito sa kubo kasama si Beshy na kanina pa nilalantakan ang nilagang mais.
"Aaaah." Sabi nito habang nakabukas ang bibig. Nagpapasubo ng mangga na may bagoong.
Kaso imbes na isubo ko sa bibig niya ay sinadya kong sa tungki ng ilong niya ito mapunta.
"Hala! Pasensya na di ko napansin." Pagkukunwari ko inabala ulit ang sarili sa pagbabasa ng libro.
"Hmm. Waah. S-stop! Kyaah tama na. Hihihihi. M-Matt!"
Hindi ako magkamayaw kung ano ang uunahin kong sabihin. Kinikiliti ako ni Matt.
"Ang naughty naman po kase ng sweetheart ko."
"M-Matt. Hihi. Haha. A-Awat na! Hindi n-na m- uuli..t. Haha."
"Ugh. Ehem. Respeto naman po sa mga single. Psh." Lintanya ni beshy saka padabog na umalis. Uhuh, bitter alert.
Sa pag-alis ni beshy ay siya namang pagpasok ni Tiya Mona dala-dala ang isang pinggan na may laman na kung ano.
Buti nalang at huminto na ito sa pagkiliti sa akin. Ngunit dahil clingy ang boyfriend ko, nakayakap ito sa sa bewang ko habang nakapatong ang baba sa balikat ko. His favorite position.
"Mag merienda muna kayo. Ito salbaro kakaluto ko lang. Paborito to ni Matmat." Nakangiting sabi ni Tiya Mona.
I strangely pick a piece at pinagmasdan ito. Bago sa paningin ko. Tinapay na mamantika na binuburan ng puting asukal.
"Take a bite Elle." Tugon ni Matt na siyang sinunod ko.
Matapos ang ilang nguya ay kusa akong nangiti.
"Ang sarap!"
At sunod sunod na ang subo ko. Ang si tiya Monang nakangiti kanina ay mas lumawak pa ang ngiti sa naging reaksyon ko.
"Ako din. Aaah."
At nagpapasubo na naman ang ermitanyo. Pero dahil mahal ko, sinubuan ko.
"Nagluluto kana pala ulit ma?"
Tanong ni Matt sa mama niya habang ngumunguya.
"Ah oo. Magpapasukan na ulit. Kailangan kong kumita para sa tuition ng kapatid mo."
"Maglalako ka?"
Gulat na tanong ni Matt. Pero bago la man makasagot si tiya Mona ay nagsalita muli siya.
"Ma sabi ko naman sa iyo ako na ang bahala sa tuition fee niya. Hindi niyo na kailangan magpagod pa. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa iyo sa daan."
Wala akong alam sa pinag uusapan nila, pero yung boses ni Matt ay tumataas na at kusang umalis na din ito sa pagkakayak sa akin at hinarap ang ina niya. Kaya pinisil ko ang kamay niya para paalalahanan siya.
"Anak, Matt magulang mo kami. Responsibilidad ko ang pag-aralin kayong magkapatid. Wala akong ibang ibang yaman na maipapaman sa inyo bukod sa edukasyon. Kaya sana maintindihan mo."
Ang kaninang matigas na mukha ni Matt ay biglang lumambot matapos marinig ang sinabi ng ina.
Naiintindihan ko ang gustong ipahiwatig nilang dalawa.
Si Matt na nag-aalala sa kanyang ina, samantalang si Tiya Mona naman ay pinapanagutan ang pagiging mabuting magulang.
"Pero ma... kaya nga ako nagtapos at nagtrabaho para makabawi naman sa inyo eh."
"Malakas pa ako anak. Sa ngayon gusto kong ipunin mo nalang ang kinikita mo para sa kinabukasan mo. Nyo."
Malumanay na tugon ni tiya Mona kasabay nang pagtingin nito sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha. Ang advance naman ni tiya para isipin ang kinabukasan namin ni Matt. Sigurado na siyang kami na talaga hanggang sa huli. Ganun?
Pumeke ako ng ubo upang basagin ang pagtatalo nilang mag ina.
"Ah..eh. kung di niyo po mamasamain. I think we can still help Matt. Na walang nilalabas na pera galing sa bulsa mo kung yoon ang ayaw ni tiya Mona."
Pagsisimula ko. Na mukhang nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi nalang tayo ang maglako ng panindang salbaro ni tiya nang sa ganun ay nakatulong tayo tapos hindi pa napagod si tiya Mona.
Nakangiti akong palipat-lipat nang tingin sa kanilang dalawa habang hinihintay ang kanilang sasabihin.
✴ ✴ ✴ ✴ ✴ ✴
"Are you sure about this Elle?"
Kunot noong at nakabusangot na tanong sa akin ni Matt. Pang-ilang tanong na ba niya yan sa akin simula nung napapayag ko ang mama niya.
Pero kahit ganun, ang gwapo pa rin ng ermitanyo ko. At nasaan ang hustisya? Si Matt lang yata ang nakita kong naka farmer attire pero ang hot pa rin tingnan. Isama mo pang nagmukhang mamahalin ang suot niya ngayon kahit luma na ito at pinagkupasan pa ng kulay.
"Magpalit ka kaya ulit ng damit dun."
Ako naman ngayon ang nakabusangot.
"Ano? Seryoso ka ba Elle. Pang siyam na palit ko na to."
Kung kanina ay nakabusangot siya dahil tutol siya sa pagsama ko sa paglalako ngayon naman ay hindi na maipinta ang mukha niya dahil gusto kong magpalit muli siya ng damit.
"Maghubad nalang kaya ako? Para hindi mo na ako pagpalitin dun."
What?! No!
"And let other girls see your abs? No way!"
Ops. I shouldn't say that loud. Gosh.
At ayun nga ang kaninang hindi mapintang mukha ng ermitanyo ngayon ay may nakakaloko nang tingin sa akin.
Bago pa man siya makapagsalita ay nauna na akong umalis daladala ang isang basket.
"I knew it!" Halakhak na sabi nito.
"Wait for me sweetheart."
Habol nito kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ngunit sadyang kakambal ko yata ang disgrasya dahil sa kinamalaslasan ay nakaapak ako ng balat ng saging dahilan upang madulas ako.
"Got yah."
Bulong sa akin ni Matt habang nakasalo ito sa akin.
"Be careful sweetie. At wag ka mag-alala para sayo lang tong ABS ko."
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.