#AGBGDeliverytime
STEVEN's POV
Nandito kami ngayon sa delivery room ni Nurse Anna, habang inaantay na lumabas ang mga baby. Nahihirapan din akong makita si Isiah na hirap.
Sa subrang alala ko nakalimutan kong birthday niya ngayon, oo nga pala birthday niya..
"Hun..." Yakap sa kanya "happy Birtday hun."
Sa kalagitnaan ng pagli-labor niya ay nabati ko pa siya. Parang maiiyak siya na natatawa, kaya naman nagpalakpakan ang mga Nurse at Doctor saka binati siya.
"N-naisip m-mo p-pa y-yun?" Tanong niya na nanlaki ang mata.
"H-hun b-baket?" Kinakabahan kong tanong dahil sa panlalaki ng mata niya.
"A-arrray... Lalabas na Doc! Lalabas na!" Sigaw ni Isiah.
"D-Doc! Lalabas na daw!" Sa kaba ko sisilip sana ako sa labasan ng bata nang pigilan ako ng Doctor. "Ay sorry Doc. Kinabahan ako." Ani ko na ikinatawa naman ng mga Doctor at Nurses.
Chineck ng Doctor kung ilang Cm na at nakapa na nito ang ulo ng bata, kaya pina-ready na niya ang mga nurse, tinurukan din siya ng painless para 'di masakit.
"Okey Miss Cruz push.." Ani ng Doctor kasabay ng pag iri ni Isiah.
"Hayop ka! ang sakit! Kasalanan mo 'to!" Sigaw ni Isiah.
Halos maubos ang buhok ko kakasabunot sa'kin ni Isiah, at ako pa ang minura nang minura. Natatawa naman ang mga Nurse at Doctor. Bweset na Storm! Sana ikaw sumalo sa mga sabunot dito, ang sakit kaya.
--------------
************"Congrats Miss Cruz and happy birthday!"
ISIAH's POV
Nailabas ko na ang kambal ko, at pinangalan ko ang babae ng Zysriel Ashthea Mondroadou at ang lalaki ay si Jysrel Asher Mondroadou.
"Ang ganda nang napili mong pangalan para sa kambal mo, si baby Jys at Zys." Ani Steven habang hinihimas ang kamay ko.
"Hindi ko alam san ko nakuha yun pero gusto ko." Wika kong may ngiti. "Basta na lang lumabas sa labi ko."
Nagtawanan naman kami ni Steven habang nakatingin sa kambal. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkamukhang-magkamukha ang kambal, naturingang anak ni Storm pero kamukha ni Steven. Mahirap naman 'pag si Storm ang kamukha ng babae. Mas babae kasi tingnan Steven ei.
"Why they look like me?" Tanong niya.
"Because the firstborn baby is the little version of a dad."
Natuwa naman si Steven sa sinabi ko at niyakap ko siya, nang biglang dumating si Nurse Anna.
"By the way hun, dadating pala si Sky at Suzie next day." Wika ni Steven na ikinatuwa ko naman.
"Really? Wow ang saya naman nun honey."
Yun na kasi ang tawagan namin ni Steven para mapaniwala ang mga nakakilala sa'min dito na mag-fiance talaga kami, at 'di naman kami nabigo na mapaniwala sila.
"Ma'am, humigop ka ng sabaw para magkagatas ka, mainam 'to para makapag-breastfeed ka." Wika ni Ate Anna habang inaabot ang sabaw.
"Ah, Miss Anna.. K-kailangan talaga breastfeed?" Tanong ni Steven.
Natawa naman si Miss Anna at umupo ito sa tabi ko para ipahigop ang mainit na sabaw. Humigop naman ako at mukhang masarap naman ang sabaw.
"Yes po Sir, breastmilk is the best for new born baby, at mas healthy po ang breastfeed ng ina." Nakangiting saad ni Ate Anna. "Kaya Ma'am, lagi ka kumain ng healthy food."

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...