Andy's PovSo today is the day na pupunta kami sa States. I miss my grandma so much and im so so excited to see her.
"Handa na ba lahat ng gamit mo Andy, wala ng naiwan?" tanong sakin ni mom
"Wala na po mom, all set." isinukbit ko na ang sling bag ko sa aking balikat at bitbit naman ni mom ang maleta ko. They're all heavy, ugh.
"Good. Now, let's go."
Bumaba na kami ng hagdan at naghihintay na sa baba sina dad, tito't tita at syempre ang kambal.
Kumindat pa sakin si Troy, inirapan ko lang. Lande.
Tumango naman sakin si Kurt at kinuha ang sling bag ko na ibinigay ko naman. Aarte pa ba ako? bigat eh.
"So ayos na ang lahat, tayo na't baka mahuli pa kayo sa flight niyo." sabi ni dad bago sila nauna sa labas.
Agad na kinuha ni Troy ang dala kong maleta. Napataas ang kilay ko sa dalawa.
"Gentlemen."
"As always." sarkastiko akong ngumiti kay Troy, as always ka diyan
"Uhuh?" he just grinned at me
"Bakit payag kang dala niya ang bag mo." bigla nalang nairita itong si Troy, syempre pag usapang Kurt mainit talaga ulo niyan.
"Mabigat eh."
"Edi sana ako nalang nagdala."
"Nandito na lang rin naman tayo tsk." pumasok na ako sa sasakyan at umupo sa pinakalikuran, sa may bandang bintana.
Pumasok na rin si Troy matapos ilagay ang nga maleta namin sa likod at umupo sa tabi ko. Kasunod nito si Kurt na umupo sa unahan namin katabi si Tito at Tita habang sina mom naman ay nasa passenger seat at si dad ang driver. Nice set up.
"Are you excited?"
"Syempre, finally makikita ko na ang lola ko."
"What else?"
"Anong what else, yun lang ang pinunta ko dun."
"Fuck." may pairap pa siyang nalalaman. mukhang sanay na sanay ah
"Why are you suddenly cursing? Are you expecting something?"
"Yes." tamad na sagot niya
"Then, what is it?"
"Nevermind."
"Okay." tsk. bahala siya sa buhay niya, kung ayaw niyang sabihin di wag.
"Fuck Andy, ba't ganyan ka? ba't di moko pinipilit! Dapat pinipilit mo ako, hindi yung palagi ka nalang, okay.. sige.. fuck nakakafrustate!" ginaya pako tsk. "Hindi ka kagaya ng ibang babae na sobrang clingy at madikit sa boyfriend nila. Are you some dude?!" sigaw niya na nagpatigil sa paguusap ng mga magulang namin. Narinig ko naman ang halakhak ni Kurt.
"Hindi pa nga kayo bro, makareklamo ah." mapangasar na sabat ni Kurt
"Damn you Kurt!"
"Hey hey hey, stop cursing!" sigaw ni Tita
"Are you expecting my daughter to be clingy on you hijo? parang hindi bagay." nagtawanan sila, maliban saming dalawa
Pinagtitripan ba nila ako?
"Clingy rin naman, pero minsan lang." rinig kong bulong niya. Baliw.
Hindi nalang ako umimik. Bahala siya sa buhay niya. I don't know why i remained silent, maybe i just want to piss him off.
Napapahalakhak nalang ako sa isip ko. Bahala siyang magisip. Reklamador! Ikumpara ba naman ako? How cool. Bullshit!
Tahimik lang ako buong byahe at hinayaan ko siyang magdrama magisa.
YOU ARE READING
I Fell Inlove with my Bestfriend
Teen FictionAndy Gomez is not that so called "typical girl". She has traits that only few has. His bestfriend, Troy Lopez is well-known for being a playboy. He used a girl just to forget someone. Will their friendship last if one of them confess it's feelings...