March Sanchez
"March?", Lumingon ako at nakita ko si Mace na may hawak na Laptop
"Oh? Bakit hindi ka pa tulog?", pansamantalang pinunas ko muna yung basa kong kamay sa sweatpants ko
"Ah-eh.. Balak ko talagang yayain ka na mag-movie marathon. Dali na", nag-pout naman ito
"Paalis naman na ako eh", bigla niyang pagsunod
"Tse, Wag kang ganyan. Babalik at babalik ka okay? Hindi mo kami iiwan ni Anderson", Sabi ko saka ko siya nginitian
tumango siya. Lumapit ako sa kanya at inakbayan ko siya at naglakad kami papunta sa sofa
Tulog na si Acel, At ako nalang ang gising, nagulat lang ako na gising pa pala itong si Mason.
Papagbigyan ko muna siguro itong si Mason .. Alam naman ni Acel na kaibigan ko siya. I know he wouldn't get jealous.
Yeah.
"Ano unahin natin?", Tanong ko sa kasama kong nag-aayos ng laptop sa lamesa, habang ako naman bitbit ang isang chips na kakainin namin
"Horror ba..?", bahagyang napalunok naman si Mason
"Ye", sagot ko
Napangiwi si Mason, pero sinunod niya nalang ako
1994 beats 1995 always beech
"Return of the doll..?", Sambit ko nang makita ko yung title ng isang movie na mahigit isang oras ang tagal
"Yun nalang", Proklama ko
Pinindot naman ni Mason ang play, Samantalang, Binuksan ko na ang chips.
Sumipol ako at humina ang buga ng ilaw sa kwartong kinakaroonan namin
Oh diba high tech
"Yan na- yan na", Tumabi sakin si Mason sabay hablot ng unan sa tabi niya
kakasimula pa lang, Sinuot na agad ni Mason yung hood niya at niyakap ako sabay tago ng ulo sa likuran ko
Tiningnan ko yung screen kung ano yung nangyayari
Yung ngiti nung manika na hawak hawak ng isang babae sa pagtulog dahan dahang lumalawak- literal na katabi na yung tenga tapos sumingkit pa ng lalo yung mata
Ako, na baliw- tumawa dahil sa itsura nung manika na dapat matakot ako
"'la? Bakit ka tumatawa? Nakakatakot kaya", niyugyog yugyog niya ako habang hindi kumakawala sa pagkayakap niya sa akin
"hindi kasi, yung mukha nung doll, Nagmukhang nagpipigil ng galit ng intsik na nalugi sa bentahan", nang sumagot ako tumawa naman ng malakas ito. hinila ko ang ulo niya sa dibdib ko para patahimikin siya
"Ingay mo baka magising sila", saway ko sa kanya
Tumahimik siya ng sandali, ngumiti lang ako.
Nanatili siya na nakayakap sa akin.
Laking gulat ko nalang nang biglang nabasa ang t-shirt ko.
Umiiyak ba siya?..
"Mace?..", Nagmadali ako at hinagkan ko ang buo niyang mukha habang hinahawi ang buhok niya
Nakita ko ang mga mata niya, Namumula, ganuon din ang ilong niya. Pero ang mga labi niya nanatiling nakangiti
So much pain in those eyes that he hides through his masked-smiles
"Mason... Wag kang umiyak", Pinunasan ko ang luha niya
Umiling-iling siya,"Sorry.. Bigla ko lang naisip na baka hindi ko na kayo maka movie marathon kasi.. Diba. Aalis na'ko, Magkakawatak-watak na tayo"
BINABASA MO ANG
•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠
Fanfiction"Ano nanaman ba kailangan mo?!", Paangas nyang sinabi sa akin. "may problema ka, at kaya kitang tulungan, bakit ba ayaw mo nalang ipaubaya sakin para gumaling ka na?!", sagot ko naman sa kanya hindi ko nakilala ang sarili ko nang mga panahon na yon...