Yuki pov.
"Roly" bulong ko sa sarili ko
habang sila ,nakatingala lang sa may yate,
"Subukan nyo paputukan ako, magsama sama tayong mamatay" sigaw ni roly samin
habang pinalapit nya samin ang kaninang hawak hawak nyang lalake, pagtingin namin may bombang nakakabit sa katawan nya
"Limang minuto na lang natitira sa bomba na yan, kapag sinubukan mo alisin ang bomba sa katawan nya lalong bibilis ang timer nyan. ngayon pano mo malulusutan ang pagkamatay nyong lahat." natatawang sabi ni roly samin sabay pinaandar nya ang yate sinasakyan nya
"Sorry Queen" naiiyak na sabi ng gangster sakin
"Clein, tingnan mo kung magagawan mo to ng paraan madali!!" sigaw ko kay clein kaya lumapit agad sya samin at halos lahat gangster nakapalibot samin
"ayoko pa mamatay"
"marami pa akong pangarap"
"hindi man lang ako nakapagpaalam sa nanay ko"
iilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan ng ibang gangster
"ano clein may magagawa ka ba" natataranta ko ng sabi
maya maya lang may pinakuha samin si Clein ng gunting, at ginupit ang blue na wire.
pero imbis na tumigil lalong bumilis nasa 3 mns na agad ang timer ng bomba.
"tangina yuki isip, anong gagawin mo yuki ,mag isip ka mag isip kaaa!!!" bulong ko sa sarili ko.
"Clein kaya mo naman siguro tanggaling ang bomba diba?" tanong ko sa kanya
"Pero Queen lalo bibilis yung timer pag tinanggal natin" sabi naman ni Demonice sakin.
"Ilipat mo sakin" sabi ko agad sa kanila kaya lahat sila napatingin sakin
"Hindi ako makakapayag" paiyak na sabi ni mom
"oo nga Queen kung gagawin mo yun mas mabuti ng mamatay tayo ditong lahat" sabi naman ni rey
"Responsibilidad ko kayong lahat, may plano ako at mom kung ikaw nasa kalagayan ko eto na lang din maiisip mo" sabi ko sa kanila
"madali na clein ilipat mo na sakin, dahil kapag pinabayaan natin ang bomba na to sabay sabay tayo mamatay" sigaw ko
at unti unti na nga tinanggal ang bomba at nilagay sakin kahit labag sa kalooban ni clein
"y-yuki w-wag mo gawin to" naiiyak na sabi ni sky sakin pero nginitian ko lang sya
"Blake,Jake, tita, tito, ate kizzy pigilan nyo naman si yuki parang awa nyo na" naiiyak pa din sabi ni sky kila mom
"Sky kahit pigilan namin sya hindi rin sya susunod, ang pinang hahawakan na lang namin ngayon ang tiwala namin sa kanya" naiiyak na din na sabi ni mom at sky
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)
ActionAno ba Expectation nyo sa isang Queen ng Gangster? Mature mag isip? tahimik? busy na tao? lagi may kaaway? Stressful dahil sa Responsibilidad? Bugnutin? madali uminit ang ulo? Well isa akong Queen ng Gangster pero isa sa mga nabanggit hindi ko ugal...