Hey I'm Echo and this is my story.

0 0 0
                                    

Pinalaki ako sa isang simpleng pamumuhay kahit na mga negosyante at nakakaluwagluwag ang pamilya namin, hindi kami sinanay sa luho at tanging school at bahay lang ang daily routine ko, di naman mahigpit ang parents ko. Actually pag nagpaalam ka papayagan ka naman nila as long as tutupad ka sa oras ng pag uwi. Since disciplinarian sila masasabi ko na namana namin sa kanila ng kapatid kong si Tempo yung pagiging magalang at disiplinado. Napakaswerte ko at lumaki akong may masayang pamilya.

Mahilig akong makipag socialize thru social media pero mahiyain ako in person. Maraming klase ng taong ganto yung ang ingay sa chat tas sobrang quite lang pag sa totoo. Well dahil nga di ako masyadong nakakasama sa mga galaan ng tropa ko dinadaan ko nalang sa pagsosocialize sa internet pag may free time ako sa bahay. Sobrang dami ko atang applications sa phone para makipagsocialize. Pero meron din akong bestfriend/kababata/kapit bahay, si Arthur. Nung nagkaroon ng branch yung laundry business nila mama dito sa manila nagdecide nadin silang magpatayo ng bahay para nearby lang then dun kami nag meet ni Arthur kapitbhay namin sila and ang naaalala ko lang is patang three years na ata sila dito bago pa kami dumating. 10 years old lang ata ako non and uso pa noon ang tamagotchi yun lang ang pampalipas oras ko noon at 21 years old na ko ngayon. Laging nasa bahay si Arthur nung kabataan namin and sobrang close sila ni papa na minsan parang mas anak pa nga ag turing ni papa sa kanya, di naman ako nagseselos nakokornihan pa nga ako. Mas malapit lang talaga kami ni Tempo kay mama dahil hatid sundo kami sa school everyday even now na pagraduate na ko sa college hinahatid padin ako hahaha. Si arthur ay mas matanda ng isang taon sakin and nagwowork na siya as a Chef sa isang hotel dito sa manila.

At dahil nga medyo busy narin hindi na kami masyadong nagkakausap at nagkikita. Siguro tuwing may occasion lang like christmas and new year. At kung mag kita man kamustahan lang na tipong taasan nalang ng dalawang kilay pag nagkikita kami tas yun na yon. Nakakamiss lang yung dati na nakikikain pa yon sa bahay at nakikiligo pa parang di na nauwi yun actually andami niyang mga hiniram na damit sakin na hindi na naibalik pero oks lang hahaha

HRM ang pinili kong kurso sa kolehiyo. Siguro dahil gusto ko lang na maiba naman sa kurso nila mama at papa na entrepreneurship si Tempo naman nasa 1st year niya na sa kursong BSE na nagrereklamo sa paggawa ng lesson plan. Isang buwan nalang at gagraduate na ko tinatapos ko lang yung OJT ko at pramis magwawalwal ako syempre displinadong pagwawalwal hahaha

Hapon non at katatapos lang ng duty ko sa hotel kung san ako nag o-ojt nang may nag dm sakin sa IG.

@Arthuro
"Echooooo!"

Yan yung dm nagtaka naman ako kung sino to inactive naman ako sa paggamit ng IG dahil di naman ako mahilig mag post ng mga pictures

Mag tatype na sana ako para magreply then may sumigaw ng pangalan ko. Napalingon ako sa direksyon kung san nanggaling yung sigaw at ayun na nga si Arthur dun ko lang narealize na siya pala yung nag dm (wowie)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon