Chapter One

732 4 0
                                    

“BADTRIP!” Nayayamot na sabi ni Kevin sa sarili habang naglalakad at sumisipa ng mga bato sa dinaraanan niya. Katatapos lamang ng klase niya sa financial accounting at hindi naging maganda ang resulta ng klase na iyon para sa kanya.

            Naiinis siya sa kanyang propesora sapagkat hindi ito pantay-pantay tumingin sa mga estudyante. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa pagiging high school kung saan uso pa ang ‘favoritism’ sa klase. Ang kasalukuyan kasi niyang propesora ay may tinatawag na ‘pet’ sa klase. Ang naturang estudyante lamang ang palagi nitong tinatawag sa tuwing may mga recitations sila.

            “Argh! Kailangan kong bumawi sa susunod na klase,” hindi pa rin nawawala ang pagkayamot na bulong niya sa sarili. Patuloy lang siyang naglalakad nang walang tiyak na paroroonan. Hindi pa niya gaanong kabisado ang bawat sulok ng unibersidad na iyon sapagkat nasa unang taon pa lamang siya sa kolehiyo. Gusto lang naman niyang mapawi ang nadarama niyang pagkayamot. May dalawang oras naman siyang vacant period kaya ayos lang na maglakad-lakad muna siya.

            Nang mapadaan siya sa orchidarium ay bigla siyang napahinto. May nakita kasi siyang isang babae na nakaupo sa isang bench. Alam niyang nag-iisa ito---sapagkat wala naman siyang nakitang katabi nito o kahit man lang nakaupo malapit dito---ngunit hindi niya masyadong makita ang mukha nito sapagkat malayo ang distansiya sa pagitan nilang dalawa.

            Naglakad siya palapit dito at unti-unting kinuha ang pansin nito. “Miss?” Nananantiyang tawag niya. Hindi siya tiningnan nito. Ni hindi nga ito lumingon sa direksyon niya. Napahugot siya ng malalim na hininga. “Miss?” ulit niya sa pagtawag rito. Nang wala pa ring naging epekto ang pagtawag niya rito ay lumayo siya nang bahagya rito. “Miss!” This time, mas nilakasan niya ang boses niya para masiguro na niyang papansinin siya nito.

            Maka-ilang ulit na niyang ginagawa iyon ay hindi pa rin siya pinapansin nito. “Miss!” napasigaw na siya. Naulit ang pagsigaw na iyon. At naulit muli. He was getting frustrated at the moment so he decided to come near her. She was staring at the flowers that surround her. “Ah, nature-lover,” sa isip-isip niya. Napapangiti siya sa kanyang sarili at hindi niya alam kung bakit. Alam niyang nagmumukha na siyang tanga at wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Nararamdaman naman niyang gusto niya ang ginagawa niya.

            Nang hindi makontentong profile lamang ng babae ang nakikita, tuluyan na siyang lumapit dito. He was surprised to figure-out that she was listening to music. Ang lakas magpatugtog nito. Kaya pala hindi nito naririnig ang pagtawag niya maging ang pagsigaw niya. “Hindi kaya siya nabibingi?” tanong niya sa sarili. He stared at her face. He realized that she was beautiful.

            “What a beauty,” aniya sa sarili habang patuloy lang na pinagmamasdan ang mukha nito. Lumipas ang ilang sandali na iyon lamang ang kanyang ginagawa. Maya-maya ay natagpuan niya ang sarili na tinatanggal ang ear phone sa isang tainga nito. Nagulat ang babae at napatitig sa mga mata niya.

            “Hi there. Sorry for disturbing you. I just want to ask kung ano’ng ginagawa mo dito? Kanina pa kasi kita tinatawag pero---“ hindi na niya natapos ang sinasabi nang biglang magsalita ang babae sa harap niya.

            “K-kanina mo pa ako pinapanuod?”

            Isang tango ang isinagot nya sa tanong nito. Nang malaman nito ang kanyang sagot ay agad niyang napansin ang mabilis na pamumula ng magkabilang pisngi nito. Nang mahalata nitong patuloy pa rin niya itong pinagmamasdan ay napayuko ito.

            “From a distance, I thought you were admiring the nature’s beauty. Pero nang lapitan kita…”

            “I was admiring the beauty of these flowers!” Biglang napatingala ang babae at naituro ang mga bulaklak sa paligid nila. Marahil upang patunayan na totoo ang sinasabi nito.

Just Because... I Love You  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon