Kapitulo I

20 1 0
                                    

(Ang mga pangalan, lugar at pangyayari sa akdang ito ay galing sa imahinasyon ng may akda at maaring mayroon rin sa tunay na buhay at sa tala ng kasaysayan.)


Hulyo 5, 1700
May isang barko sa karagatan na patungo sa isang daungan habang nagbabadya ang pamumuo ng bagyo sa kalangitan.

"Kapitan! gising na po pala kayo, may inihanda po kaming hapunan para sa inyo." Sabi ng isang lalaki na nasa dalawampung taong gulang, katamtaman lang ang pangangatawan nito at sakto lang ang tangkad. nakasuot ito ng uniporme na pang Armada Española.

"Sige mauna kana Teofilo, susunod nalang ako. " Sabi ng bagong gising na binata na nasa dalawampung taong gulang, may katamtamang pangangatawan rin ito ngunit may katangkaran. Nakasuot ito ng uniporme pang Capitan de navio.

"Opo Kapitan." sagot ng lalaking nagngangalang Teofilo at saka ito umalis.

Tumayo ang Kapitan at agad nagtungo sa durungawan. Nakita nito ang itim na kalangitan na nagbabadyang umulan sa ano mang oras. Nagtagal ang binata sa durungawan ng ilang segundo bago ito tuluyang lumabas ng kanyang silid.

Habang patungo ang Kapitan sa komedor ay tila may bumabagabag sa kanyang isipan dahil sa mabagal nitong paglalakad habang nakatingin sa karagatan.

"Nandito na ang Kapitan!" Sigaw ng pinuno ng mga tripulante. Agad nilang inihanda sa hapag ang magiging hapunan ng Kapitan.

"Salamat." Sabi ng Kapitan at sumenyas itong iwan muna siya duon.

Hindi makakain ng maayos ang Kapitan marahil sa bagay na bumabagabag sa kanya simula pa kanina.

May lalaki na pumasok at nagbigay galang sa Kapitan.

"Kapitan nandito na po tayo sa San Fabian." Sabi ni Teofilo. Tumango ang Kapitan bilang tugon kay Teofilo.

Pagkatapos kumain ng Kapitan ay agad itong bumaba sa barko. Napatigil ang Kapitan habang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Talagang maganda ang bayan ng San Fabian. Mula sa malawak na daungan ay matatanaw mo ang marikit nitong kabundukan.

"Kapitan, ngayon lang ako napadpad sa napakagandang bayan na ito. Totoo pala ang paraiso."

"Hindi pa iyan ang kagandahan ng bayan na ito, halika samahan mo ako Plaza." Sabi ng Kapitan.

Sumakay sila ng kalesa at agad na nagtungo sa kabayanan.

"Ngayon lang po ulet ako nakapunta sa isang bayan." Sabi ni Teofilo na palinga linga sa kanilang dinadaanan.

"Matagal tagal narin tayong hindi tumapak sa lupa." Sabi ng Kapitan habang nakatingin sa mga puno na kanilang nadadaanan.

"Ano po palang sadya natin dito sa San Fabian?" Biglang tanong ni Teofilo.

"Malalaman mo rin mamaya." Sabi ng Kapitan habang patuloy na nakatingin sa mga puno.

Ilang minuto pa ang lumipas ng huminto ang kanilang sinasakyang kalesa sa isang bahay-aliwan.

Bumaba na sa kalesa ang dalawa, napatingin si Teofilo sa bahay-aliwan. May babae na napasulyap sa kanya sa loob ng bahay-aliwan at tila nginitian sya nito. Napalunok si Teofilo at umiiling.

"Oh, bakit ka umiiling jan?" Tanong ng kapitan.

"Bahay-aliwan po ba ang sadya natin dito? patawad po pero hindi ko kayo masasamahan sa loob... Tapat po ako kay Felicidad." Sagot ni Teofilo na tila kinakabahan.

Moonlight On The South Eastern WatersWhere stories live. Discover now