Chapter Twenty Eight

46 5 6
                                    

"Look at me Kristine sabihin mo nga kung nagseselos ka?"

"hindi nga sabi ang kulit ng lahi mo wag ka ngang assuming!" parang bangag si Kristine na nakanguso pa habang sinasabi yun. Grabe para akong nanonood ng telenovela e

"Aish aaminin lang naman di pa masabi e wala namang mawawala sa kanya tsk!" parang batang nakanguso din si kuya. Grabe tong dalawang to kinikilabutan ako makalayas na nga.

"San ka pupunta?" at chorus pa nilang sinabi yan

"Uuwi pero dahil out of the way pa sa condo ko ang bahay nila Kristine ikaw na maghatid sa kanya kuya, okay?" tumango naman si kuya. Nasabi ko nung una na magkasama kami sa apartment ni Kristine nung wala pa ang condo ko e nung nakuha ko yung condo ayun pinauwi sya sa kanila haha. Para kasing tae may bahay naman malapit sa school nagaapartment pa

"Ay bhes sige iwan mo ko todas ka sakin!"

"Nagtitipid ako sa gas bhes e byieee!"

Nagtuloy tuloy na ko sa kotse ko. Yey ang lamig lamig talaga ng aircon. Nagsimula na kong magdrive nang mapatigil ako sa isang store. Minions store ang saya

"Good morning maam ^_____^!" ngiting ngiting bati nung empleyado. Ang cute cute nya grabe kasi ba naman nakaminion yung damit nya tapos nakasuot pa sya nung glass na pangminion

Bakit nga ba naging paborito ko ang minion dati naman di to ang paborito ko e. Dahil na naman kay Rain haaay paborito nya rin kasi to e

"799 lahat maam!"

Kumuha na ko nang pambayad sa binili  kong car pillow. Dalawa lang naman binili ko

May natawag sa cellphone ko at minion pala ang ring tone ko.

Ah si Riel

"hello?" habang may kausap ako sa phone dumeretso na ko sa kotse at nagheadset para naman makapagdrive na din ako pauwi

("Uhmm hi Reanne magbibirthday ka na kasi so iniinvite ka namin ni kuya Gerald nood daw tayo ng sine!")

"Aish naku hindi pede Riel e kung gusto nyo sama na lang kayo samin! Manila zoo!"

("hahahaha you got to be kidding! Manila zoo ka dyan e takot ka pero by the way papadala ko na lang regalo namin ni kuya sayo ha? Advance Reanne!")

"Thanks Riel!"

"Hayaan mo gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang ulit!"

And the line went dead. Kahit naman magex kami we're friends.

*BEEEEP*

Urgh! Langyang pajero to basta na lang nasulpot sa harap ko. Hindi ata to marunong magmaneho e

"Hoy ano bang problema mo? Natry mo na bang mag aral magdrive?! Ha? Ha?" sabi ko habang binuksan ko yung bintana ng sasakyan ko

"Reanne sorry nagmamadali kasi ako kasi si Rain e!" ay si Finn pala. Di ko alam totoong pangalan e. Basta kabarkada yan ni Rain

"Oh Finn ano bang nagyari kay Rain ha?" nawala ang init ng ulo ko dahil sa sinabi nya tungkol kay Rain kundi kinabahan ako

"Buti pa sumama ka sa min!" tumango naman ako

Sinundan ko ang pajero ni Finn at tumigil to sa bar kaya bumaba na rin ako

"Tara! Naglalasing si Rain e!" sabi nya

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon