Kabanata XVII

318 18 8
                                    


Tamad akong tumungo sa dining room para kumain ng almusal. Naabutan kong nagkakape sila Inay Fely,Itay Rene habang sila Ate Edith at ang ibang tauhan ay abala sa paglilinis.


"Ate Edith, tawagin mo na ang ibang tauhan para kumain ng almusal bago sila maglinis." Mabilis na tumango si Ate Edith at tinawag ang mga tauhan. Dumalo ang iilan sa long dining table. Nagngingiti akong nagtimpla ng gatas at ininom ito.


"Mam Carrie, masarap po ba yung kagabi.Ay. Yung ano po pala, yung gatas. Hehe." ika ni Ate Edith habang nakapeace-sign. Nakita ko ang pagtuon sakin ng mata ni Inay Fely na para bang may gusto siyang tanungin ngunit nginitian niya lamang din ako.


Tinapos ko ang aking gatas at nagtungo na agad sa sasakyan. Habang nasa byahe patungong unibersidad, nagbasa basa ako ng mga module sakaling magkaroon nanaman ng surprise quizzes. Sa kalagitnaan ng pagbabasa, sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari kagabi. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.


" Iha, maganda ang araw mo ngayon." ika ni Itay Rene. Tumango lamang ako at hindi na muling nagtanong sa akin si Itay Rene. Mukha na siguro akong baliw kakangiti. Halos lahat ng tao sa mansyon ay napansin ito.


Bumaba ako at nagpaalam kay Itay Rene. Pumasok ako sa loob ng klase at umupo na sa aking upuan. Tinuon ko na ulit ang aking atensyon sa librong binabasa. Tumunog ang buzzer sa labas dahilan ng umpisa ng klase at saktong pagdating ng prof namin para sa unang asignatura.


"I think my brain cells are shutting down in any minute." sabi ni Gray habang hinihilot ang sentido. Inirapan ko siya at nagpatuloy maglakad patungo sa open field. Magmula noong nakaraang buwan, nasanay na rin si Luigi at Rose na kasama ko si Gray.


Kumaway ako nang namataan ko silang nakaupo sa bench na kadalasan naming tambayan. Bumaba agad sila para salubungin kami.


"Aga mo ata?" sabi ni Rose. I glared at her only to make her laugh. Whatever.


"Good mood prof?" dugtong ni Luigi.


"Tamad kamo. Puro pa self-study." ika ni Gray habang umiiling pa.


As usual, marami nanamang mata ang nakatingin sa amin. Hindi ko na lamang pinansin dahil na rin siguro kasama nanaman namin ang isa sa miyembro ng Quadrant kaya ganoon. Humanap na kami ng table, simula kase noong sumasama si Gray sa amin, siya na ang umoorder. Madalas pa, nililibre niya kami.


"Oy, Carrie. Ano ganap? Ha? Ano nangyari sa emote emote mo?" tanong ni Rose habang pinapapak ang fried chicken na inorder niya.


"Spill it,bitchhhh." pakantang sabi ni Luigi.


"Language." dugtong naman ni Gray habang kinakain ang kaniyang burger. Natigilan ako. Should I tell the whole story or? Ohgod. I should play safe then. Asarin pa ako ng tatlong ito kapag nagensayo ang banda.


"He let me sleep on his bed ---" Hindi pa ako natapos ay nagtilian na ang dalawa habang seryoso pa rin ang mata ni Gray habang iniilingan ang dalawa.

Home  (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon