Chapter 52

62 4 2
                                    

Patricia's

After that scene, naghanda na ako para sa magiging event mamaya. I shoved the thoughts away muna when my phone rang. It was Tsuji, my cousin.

"Hello? Wae?" I answered.

"Rise and shine, dear cousin." he said playfully. Ano na naman kayang palabas nito?

"Kanina pa ako bumangon, soon to be married guy!" umirap ako kahit alam kong hindi niya makikita.

"Sarap naman sa ears nung 'soon to be married'. Anyway, I called because I have something to tell you. Kay Minhyun hyung na kayo sumabay ni Hyunri, may pinaasikaso kasi ako kay Minggyu, ayoko namang maabala mo siya." he said na may diin lalo na yung nga huling salita habang tumatawa.

Minsan, siraulo rin talaga 'tong kapatid ni Lyrie. Teka?! Sasabay kami kay Hwang?!

"Natahimik ka ata? So it means yes? Thank you cousin! I owe you one! Bye!" he added at ni hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.

Isinubsob ko ang mukha sa unan at dun nagtitili. Bakit ko ba pinsan yun? Tumayo na ako to fix myself again. Nabihisan ko na si Hyunri kanina pa and I know she's downstairs kasama si Daehwi. Nauna na rin yung iba naming mga pinsan and guests dun sa venue. I sighed as I examined myself at the mirror. I grabbed my things na tsaka bumaba.

I was half way the down stairs nang makita kong tumatakbo si Hyunri galing sa kusina.

"Appa~" sigaw niya. She's heading to the door kaya napatingin din ako dun. Nandito na siya.

"Careful Hyun." I said at tsaka diretso baba.

"Are you pertaining to me?" Hwang said out of nowhere and sheepishly smiled.

He acted as if nothing happened. Is he for real?

"Hindi." I answered sternly. He just shrugged at itinuon na ang atensyon niya kay Hyunri na tuwang-tuwa namang kasama ang Appa niya.

Napansin ko naman si Lyrie na nasa bungad ng dining area looking at what was happening.

"Lyrie, we're going. Gusto mo na bang sumabay?" tanong ko sa kanya. Para naman hindi maging awkward yung biyahe diba? At least may iba pa kaming kasama.

Nakita kong sasagot na sana siya pero naunahan na siya ni Daehwi na nakatayo at nakasandal sa arm rest ng sofa while looking at her.

"No noona. Sa akin na sasabay si Lyrie."

Iwas na iwas naman ang tingin ng pinsan ko. I doubt something happened at the party last night. Yung tingin kasi ni Daehwi nang-aasar na ewan. Hindi na rin ako umalma at hinayaan na silang dalawa.

Lumabas na ako and saw that Hyunri's already inside the car at nakasandal si Hwang sa kotse in his tuxedo.

Ang lakas ng dating.

Di ko namalayang nakatulala na ako habang nakatingin sa kanya. Kung hindi pa siya lumapit, hindi ako matatauhan.

"Tayo na?" what?

Anong tayo na?

"Ha?!" I asked defensively. E hindi ko mapigilan eh. Kung anu-ano na naman kasing nalabas sa bibig ng lalaking 'to.

"Sabi ko, tayo na, pumunta na tayo sa venue. Silly." he chuckled at saka pinisil nang marahan ang ilong ko.

I looked away to avoid the shame. Iniwan ko na lang siya dun sa pwesto na yun at dire-diretso sa backseat at tinabihan ang anak ko. Hindi pa nagtatagal nang mapansin kong hindi pa rin siya sumasakay sa driver seat at biglang binuksan ang pinto ng back seat ulit. Hyunri innocently looked at him.

Appa 》》h.mhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon