Her Deepest Regret

35 4 13
                                    

My friend, asked me, what is my deepest regret?

Nakakatawa. Hindi niya alam. Dahil isa lang naman akong babaeng hindi nagpapakita o nagsasabi ng aking tunay na nararamdaman.

Kahit man lang sa huling pagkakataon ay hindi ko nasabi ang mga katagang gusto kong sabihin.

Bata pa lang ako ng wala man lang akong makitang inay at itay sa aking tabi. Ngunit mayroong isang matandang lubusan akong minahal sa kabila ng aking mga kagagawan.

Bata pa lang ako ay iyakin na talaga ang batang nagngangalang, Mhargarette. At ako iyon.

Hindi ako kailanman nagtanong kung nasaan ang aking mga magulang. Ang inay at itay. Pero natuwa naman ako dahil nandiyan siya palagi para sa'kin.

Bata pa lang, lagi siyang puyat para painumin ako ng gatas at patahimikin sa iyak. Palagi siyang natataranta lalo na kapag ako'y nadadapa at mabilis na nasusugatan.

Bata pa lang, hindi siya sumusuko sa pagpapatulog sa'kin kahit na umabot ng madaling araw.

Hanggang sa tumungtong ako ng elementarya. Siya'y pursigido sa pagtatrabaho kahit hirap na hirap na siya. Ang gusto niya lang ay mabigyan ako ng magandang buhay at makakain ng tatlo sa isang araw.

Madalas nga hindi na siya nakakain dahil lubos niyang inaalagaan ang aking kalusugan.

Nagpursige pa siya sa pagtatrabaho kahit na gusto na siyang patigilin ng kaniyang amo ngunit nagmakaawa siya para lamang sa'kin.

Nang tumungtong ako ng high school. Pinag-aral niya ako sa magandang paaralan dahil gusto niyang marami akong matutunan.

Nang araw ng pasukan palagi niyang sinasabi sa'kin na, "Mag-aral ka ng mabuti dahil hindi nabibili ang edukasyon."

Wala akong naisabi dahil ang mga katagang nasa isipan ko ay hindi ko maibigkas.

Kada uwian ay palagi siyang nakabantay sa gate. Na parang tuwang tuwa na makita akong nakasuot ng kumpletong uniporme.

Pagkatapos kasi ng trabaho niya bilang labandira ay nagtitinda siya ng mani sa harap ng paaralan na pinapasukan ko.

Habang kumakain kami ay gusto niyang magkwento ako tungkol sa mga natutunan ko ngunit kahit isang salita ay hindi ko magawa.

Nakangiti ito ngunit nadismaya ng talikuran ko ito at pumunta sa lababo. Gusto kong sabihin sa kaniya ngunit nahihiya ako.

Gusto kong sabihin lahat kung gaano ako kasaya na palagi siyang nariyan para sa'kin.

Nang araw ng lunes ay may biglaang proyekto. Kaya agad akong pumunta sa labas para humingi ng pera.

Oras na para sa tanghalian. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa isang karinderya. Agad ko siyang hinabol.

Nanghingi ako ng pera. Ngunit laking lungkot ko ng bigla niyang isauli ang binili niyang kanin at ulam. Ibinigay naman sa kaniya ng tindera ang pera at mabilis niya itong ibinigay sa'kin.

Mabilis niya din akong pinaalis at sinabing magmadali ako baka mahuli ako sa pagpasa ng aming kinakailangang proyekto.

Umuwi akong malungkot dahil lahat ginawa niya para lang sa'kin. Hindi niya man lang inaalala ang kaniyang sarili.

Mas gusto niyang pagtuunan ako ng pansin kaysa sa kaniyang sarili na makikitang tumatanda na talaga siya.

Palagi niya akong ginising ng umaga para makakain ako ng maayos. Siya ang palaging naglalagay sa bag ng baon ko sa tanghalian.

HER DEEPEST REGRET [ ONE SHOT ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon