Tenen! Two weeks had passed. Wala pa rin si Kevin. Hindi rin kami gaano nakakapagtext kasi walang signal ang phone niya. Miss ko na siya. Haay! Lapit na ng birthday ko. Parang hindi pa ata siya makakarating. Nakakalungkot. Andito na ako ngayon sa school. Kahapon pala galing ako kila Mysh. Binigyan ko siya ng invitation. Kaso si Tita lang ang nandoon. Umalis daw si Mysh. Sana makapunta siya sa birthday ko.
"Hey Mitch! Lapit na ah. One week to go!" Excited na sabi ni Diana.
"E bakit mukhang malungkot ka? Di ka ba naeexcite?" Tanong naman ni Marj.
"Hindi naman sa hindi excited pero kasi si Kevin. Hindi pa rin nakakauwi. Paano na lang kapag di siya pumunta?" Malungkot kong sabi. Nagkatinginan naman silang tatlo.
"Ano ka ba? Pwede ba naman yun? Diba nga sabi mo na nagpromise siya sayo? He will not break his promise. Trust me." Ngiting sabi ni Karina. Hinaplos haplos lang ako ng nito sa likod.
Hindi ako nakasabay sa kanila sa pag-uwi dadaan pa kasi kila Diana. Magpapractice daw sila ng kanilang prod for my birthday. Taray! Bonggang preparation ah. Kayo na! Hihi. Umuwi ako mag-isa. I checked my phone. Walang text galing sa kanya. I keep on texting him pa rin baka busy lang siya. Pero wala. Wala siyang texts. Yung mga unang araw lang kami nagkakatext pero nung tumagal na wala na. I tried to call him, pero hindi siya nasagot. Minsan naman out of coverage area.
"Nak, nagkausap na ba kayo ni Kevin?" Tanong ni mama. Andoon rin si papa. Nakaleave siya ngayong araw.
"Ah, hindi pa po ma e. Tinext ko po siya kanina kaso di po siya nagrereply." Sagot ko dito.
"Busy yun. Nasa barko e. Hindi naman sila pwede magdala ng phone kapag nagttraining na." Sagot naman ni papa.
Sabagay. Tama si papa. Inexplain na rin sakin ni Kevin yun bago siya umalis. Pero bakit naman hindi niya magawang magtext kahit isa lang para alam ko naman kung anong ginagawa niya. Hindi yung ganitong nag-iisip ako. Ang hirap kaya ano?!
-
Friday na. Tomorrow is my birthday! I texted Mysh, sinabi ko na sana ay makapunta siya. Sila ni Jonas. Sana okay na sila ngayon para happy-happy na. Si Kevin? Ayon wala pa ring paramdam. Ayos yun ah. Nakakatampo naman. Magtext lang siya kahit isa happy na ko.
"Mitch, sige alis na kami ha! May final rehearsal kasi kami ngayon e." ngiting sabi ni Diana.
"Sige. Ingat kayo ha! See you tommorow before 5. Okay?" Nag-approve lang ito sa akin. Umalis na sila. Hinihintay ko pa sila Mike e. Ibibigay ko pa kasi ang program sa kanila para makapagpractice na rin sila. Lumabas siya sa room kasama si Angel.
"Mike, Angel. Ito yung program. Salamat sa inyo ha. Hehe."
"You're welcome girl. Basta para sayo." Sabi ni Angel. Nang maibigay ko sa kanila ay umuwi na ako.
Super busy si mama. Siya kasi ang magluluto bukas. Super sarap kasi niya magluto. Naghire na lang kami ngmag-aassist sa mga bisita. Chinecheck niya kung kompleto na lahat para bukas. Dumiretso naman ako sa kwarto. I checked my phone. May five unread messages. Napangiti naman ako. Dali-dali kung tiningnan kung may text si Kevin. Agad namang napawi ang ngiti ko nang wala akong nabasang text mula sa kanya.
–
"Happy Birthday!" Ito ang gumising sa akin, July 14. Bumungad sa akin si Mama, Papa, at dalawa kong ate. Nagkantahan sila. Napangiti naman ako.