Katelyn POV
Nagising ako ng may narinig akong nag uusap .
Pag mulat ng mata ko si Amber na ang katabi ko at nakahilig ulo ko .
Napakaganda ng ngiti ni Amber saken .
" Si Georgia ? " tanong ko sa kanya
" May inaayos lang na mahalagang importante si George " sabay ngiti ulit
" Sila Sab ? Tayo na lang ba natira ? " tanong ko ulit
" Oo eh " si Amber tumayo na siya .
Ako naka upo pa din . Habang nakatingin sa kanya ..
" mahigit 5 hrs ka din nakatulog Kate " sabi niya
At nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa dalawa niyang bulsa .
" Ayaw mo ba bisitahin ang iyong kaibigan " pagkasabi niyang yun bigla kong naalala yung nangyari
" pwede na ba ? " tanong ko sa kanya
Ngumiti ito sabay tango saken .
Inilahad niya ang kamay niya saken at naka ngiti . Ganda ata ng mood ni Amber .
Hinawakan ko yung kamay niya at naglakad na kami papunta sa kwarto ni Philip ..
Naiiyak ako ..
Umupo ako sa gilid ng kama .
" Philip ? "
Pero wala pa din siyang malay . May mga pasa siya sa mga braso niya pati yung mga kamao niya may mga pasa at namumula .
" Philip .. " hinawakan ko yung kamay niya
" hindi pa ba siya nagising ? " tanong ko kay Amber
"Hindi pa Kate "
" Pwede ba kita maiwan dito Amber bibili lang ako mga prutas niya " sabi ko
" Ako na lang bibili " sabi niya
Umiling ako .
" Gusto ko ako mismo pipili Amber okay lang ako wala naman mangyayaring masama saken " Sabi ko para maging panatag siya
Tumayo na ako at sinuot ang bag ko . Napatingin ako sa jacket na suot ko oo nga pala hindi pa ako nakakapag palit .
" Maglinis ka muna ng katawan Kate kaya lang wala akong extra damit e " sabi niya at ngumiti ng bahagya ..
Tumango lang ako at pumunta ng CR .
Dahan dahan kong tinanggal yung mga damit ko . Pag naalala ko yung pangyayari na yun biglang bumibilis yung tibok ng puso ko . H
Tama nga si Tatay delikado sa Maynila.
Pero sino yung lalaki na yun . Nakikita ko sa mga kamay niya parang bata pa . Wala pa itong halong kulubot chaka malambot pa .
Bakat na bakat sa kamay ko ang pabilog na pasa . Na medyo namumula pa at nag kulay violet
Naiyak ako ..
Mag aalala sila tatay pag sinabi ko to . Tuloy pa din ang pag agos ng luha ko . Muntikan na ako dun .
Ninanamnam ko yung pagpatak ng tubig sa katawan ko . Hindi mawala ang bilis ng tibok ng puso ko .
Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong nakatapat sa shower .
Ng may kumatok .
" Kate okay ka lang ba ? " si Amber
Pinatay ko ang shower bago sumagot .
" ahm ! Oo Amber ayos lang naman ako saglet patapos na rin " sagot
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Lãng mạn" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?