Part 18

537 42 3
                                    

Kasalukuyang buwan...

NAKITA na ni Jadd na nagpunas ng pisngi si Xien bago pa nito naitago ang mukha. Umiiyak na naman ang babae. Ilang beses na niyang nasaksihan na nasabak sa panganib si Xien pero hindi niya ito kinakitaan ng takot. Hindi umiyak sa ilang pagkakataon na nanganib ang buhay. Inutos rin niya sa mga kasamahang subukang takutin si Xien. Noong wala ang babae sa Owl village. Naisip ni Jadd na kung makikita nitong hindi ligtas ang paligid, baka mas mabilis na magbago ang isip at agad pumayag sa alok niya.

Sa totoo lang, hindi alam ni Jadd kung bakit simula noong unang magtama ang mga mata nila ng babae, hindi na ito nawala sa isip niya. Bigla, hindi na naman siya matahimik. Parang lagi siyang disturbed. Nagbalik rin pati ang mga bangungot niya. At sa kung anong dahilan, gusto niyang laging nakikita ang babae-na ligtas. Hindi niya gustong isipin man lang ang eksena na nakuha si Xien ng mga taong naghahabol sa magkakapatid na Magdiwa.

Walang epekto ang naisip ni Jadd na takutin ang babae. Hindi natakot si Xien. Lumaban pa-tinutukan ng baon na patalim ang isa sa mga kaibigan niyang may takip sa mukha. Kinabukasan, wala na ang babae sa inuupahan nitong bahay. Lumipat na naman ng lugar.

Pamilya, iyon ang kahinaan ni Xien. Nang nasa kubo na niya ang babae, maraming beses niyang nakitang nakatingin lang si Xien sa malayo, at iiyak na sa mga susunod na segundo. Pero ni minsan, hindi nito ipinakita sa kanya ang pag-iyak. Ang pormal na Xien na laging malamig ang tingin ang humaharap sa kanya.

Ang ngiti nito, parang ulan sa tag-araw. Nagiging trying hard joker siya mapangiti lang si Xien. Gusto niyang nakikita ang ngiti ng babae. Gusto rin niya ang pakiramdam na nasa kubo ito para sa proteksiyon. Gusto ni Jadd ang pakiramdam na may umaasa sa lakas kanya, na may silbi siya. Gusto rin niya ang katotohanang kailangan niyang bumalik sa kubo nang buhay-o hahanapin siya ni Xien.

"Xien?" halatang ang lalim ng iniisip nito. Nasa balkonahe ng kubo ang babae. Nagulat pa sa boses niya. Umangat ang kamay at lumapat sa mukha. Alam ni Jadd na luha ang tinuyo nito.

"Jadd," mababang sabi ni Xien at nilingon siya. Nagtama ang mga mata nila. Muntik na niyang tawirin ang distansiya nila at yakapin ang babae nang mahigpit, saka siya pipikit at hihinga nang malalim. At sasabihin niya sa mahinang boses ang...

"Nakabalik na ako. Kumusta ka rito?"

Pero hindi niya puwedeng gawin o lilipad papunta sa kanya ang lahat na mahawakan ni Xien sa kubo. Si Xien ang klase ng babaeng handang pumalag lagi sa hawak ng lalaking hindi nito kaano ano.

"Hinihintay mo ako, Xien?"

Balik si Jadd sa dating ginagawa para makakuha ng reaksiyon galing sa babaeng malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa kanya.

"Ba't kita hihintayin?" hindi defensive ang tono, pantay lang at walang emosyon. Ang tingin, tatalunin ang lamig sa Alaska.

"Baka lang na-miss mo ako-gilfriend?" at pinigil niyang ngumiti. Ano'ng silbi ng magandang gabi kung hindi man lang ngingiti si Xien?

Walang reaksiyon si Xien. Hindi na bago. Hindi na ito si Xien kung may makikita siyang reaksiyon. Sanay na rin siyang blangko sa emosyon ang mga mata nito.

"Mas malamig ka pa sa gabi," si Jadd uli at umupo sa tabi nito. Napansin niya ang maliit na tuyong dahon sa buhok nito. Umangat ang kamay ni Jadd para alisin ang dahon.

"Walang hawak, Jadd," mahina lang na paalala nito. "O mawawalan ka ng girlfriend," may diin sa 'girlfriend'.

"Bumili na ako ng bigas, Xi. Galit ka pa rin?" at ngingiti-ngiting kinuha niya ang maliit na dahon sa buhok nito. "Magbe-break tayo dahil dito?" ipinakita niya ang tuyong dahon. "Sa dahon?" Nakangiting binitiwan niya ang dahon at biglang pinindot ng dulo ng daliri ang tip ng ilong ni Xien.

Napamaang ang babae sa kanya. Nagtama nang matagal ang mga mata nila. Sinadya ni Jadd na titigan si Xien. Malamig man lagi ang titig na ibinabalik sa kanya, may kung anong hatak ang mga mata ng babae-parang magnet na hindi niya ma-resist. Lagi siyang nahihila.

Literal na pumitlag ang puso ni Jadd nang marahang ngumiti si Xien. Ngumiti nang nakatitig sa mga mata niya!

Napamura sa isip si Jadd. Gusto niyang mag-tumbling sa tuwa.

"'Di na ako galit," sabi nito. "May bigas na, eh." Biglang hinawakan nito ang tainga niya at mahinang piningot bago siya iniwan.

"Xi!"

"'Antok na ako, Jadd."

"Walang kiss?"

"Kiskis kita sa katawan ng puno, eh!"

Ang lapad ng ngisi ni Jadd, hindi maiwan ng mga mata si Xien na papasok na sa kubo.

Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon