(Naomi's PoV)
Abala ang lahat sa pagbili ng regalo para sa Christmas eve. Oo December 24 na ngayon. Bilis noh?
Alam na din nila Mama at Mommy na kami na ni Trake. Masaya sila para samin. Si Dad? Ewan ko ba dun haha
Para daw sa kanya dapat di muna ako nag-boyfriend kasi para sa kanya baby pa rin ako. Na hindi nya raw kayang makitang nagdadalaga na agad ang anak nya. As if naman ikakasal na agad ako diba?
Pero dadating din naman tayo dyan haha
Ang mahalaga ay yung ngayon, na masaya at buo kaming pamilya
Napangiti ako nang makitang nakangiti si Noemi habang pinagmamasdan ang buong pamilya naming na may kanya-kanyang ginagawa
Sila Kuya Drei at Kuya Grey ay nagiihaw ng mga ulam. Favorite kasi naming ang mga inihaw
Syempre hindi mawawala ang bangayan habang naaiihaw sila hahaha
"Oh ano? Sabi ko sayo lolokohin ka lang ng girlfriend mo eh. Kaya dapat hindi na nag-girlfriend eh"-sermon ni Kuya Grey kay Kuya Drei
Nag break na kasi sila Kuya Drei at Ate Rica
"Oo na. Oo na"sagot ni Kuya Drei at nagpatuloy na lang sa ginagawa
Kawawa naman ang kuya ko. Pero okay lang yan, nandito kami para sa kanya
Tumingin naman ako kila Mama at Mommy na masayang nagk-kwentuhan habang nagtitimpla ng mga ulam
Si Terrence? Ayun as usual nagbabasa
Napako naman ang tingin ko kay Trake...na kausap si Daddy
Wait kausap si Dad?
Bakit sila magkausap? Lumapit ako ng kaunti pero sinigurado kong hindi nila ako nakita
"Alam mo ayaw ko pa sanang mag nobyo ang anak ko eh pero mabait ka naman pala. Simula ngayon Dad na rin ang itawag mo sakin. Haha"-Dad
Kailan nya pa naging anak si Trake? =___=
Wait ito na yung tinatawag nilang nililigawan yung magulang?
"Sige po, D-Dad"parang nahihiyang sambit ni Trake
Inakbayan sya ni Dad at tumawa na pang matanda
=____=
Ang creepy talaga sa pandinig ng tawa ng mga matatanda
Hahah. Shh lang kayo ha! Yari ako dyan pag nalaman nyan
Minabuti kong hindi na lang making sa kanila. Usapan nila yun eh
Tumulong na lang ako sa mga gawain at nang matapos ay nakipag kwentuhan kila Naomi
Bumisita sandali samin si Clarisse pero agad ding umalis para makasama ang pamilya nya
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Teen FictionAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...