CHAPTER THIRTY THREE

154 3 0
                                    

Natapos na ang unang game at nanalo sila candy, kung hindi lang sana tumigil sa pag sagwan si jes ay kami sana nanalo. Sinadya niya talagang gawin yun sinadya niya talagang magpatalo.

"Ayoko nang makapartner sya" sabi ko habang humihigop nang kape.

Pinagpahinga muna kami dahil sobrang matirik ang araw,hinahanda na din nila ang susunod na game.

"Gusto mo tayo nalang partner?" Sabi ni zey na nakangiti.

Bakit kaya lagi syang nakangiti?.

"Kung pwede lang eh"

Nandito kami ni zey sa cafeteria nang hotel. Malaki ang cafeteria nila at mamahalin ang mga pagkain. Mayaman talaga ang may ari nito.

"Pwede ko naman sabihin kay pres"

Seryoso? Talagang gusto niya.

"Bakit gusto mo ko makapartner?" Tanong ko.

Wala lang trip ko lang itanong, kahit alam ko naman ang isasagot niya.

"Ayoko kasing makapartner yung babaeng yun, konti nalang mapapatulan ko na eh" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Tapos nanakot sya pag di ko inayos yung pag sagwan ko"

"Nananakot?" Bakit naman sya tatakutin?.

"Oo" nakita ko namang bigla syang umiwas nang tingin sakin.

Parang na cucurious ako sa pananakot ni candy kay zey. Ano kaya yun?

"Pwede ko—-

"Sabi niya aawayin ka niya pag di ko ginalingan"

Ganon ba talaga sya? Madaya pala sya eh!.

"Bat ka naman naniwala sa kanya"

"Kasi mahalaga ka sakin" at tumingin sya sakin. "Ayokong masaktan ka, sinaktan kana nga ni jes tapos dadagdag pa sya, hindi ko kayang makita ka na umiiyak"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Mukhang seryoso sya sa sinasabi niya. Ilang segundo walang umimik saming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit wala akong masabi sa sinabi niya.

Napaka bait niya sobra sakin pero ayokong madamay sya sa gulo namin.

"Ayos lang na awayin niya ako" biglang basag ko sa katahimikan namin. Nagulat naman sya sa sinabi ko. Mag sasalita sana sya pero inunaha ko na.

"Mas gusto ko na gawin niya sakin yun zey mas gusto kong masaktan ako kasi alam kong hindi niya ako titigilan"

"Titigilan ka niya kung di mo sya papatulan cass kaya makinig ka sakin kahit isang beses lang. uniwas ka nalang sa kanya"

"Ayoko" mabilis kong sagot.

"Gusto kong matauhan ako, gusto kong mag sisi, gusto ko maramdaman kung paano nila ako pag taksilan lalo na hindi pa alam ni candy kung anong meron saming dalawa ni jes"

Tama hindi pa niya alam na asawa ko si jes, kaya malakas ang loob niya na awayin ako. Nakakapagtaka lang. hindi ba sinasabi sa kanya ni jes na may asawa na sya?

Bakit kaya niya naisipan na mag aral kung saan nandun si jes. Alam kong alam niya na may asawa si jes tss.

Natawa naman ako sa naisip ko.

Ibig sabihin lang nun malakas talaga ang loob niya. Gusto niya ata makita kung sino ang asawa ni jes, hindi niya alam ako yung asawa ni jes.

**********************
CANDY's POV.

Campus Hearthrob Is MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon