8

171 4 0
                                    

Niña

Pagkatapos naming magpractice ni Charles ay may lalaking lumapit saamin

"Excuse me po Maam Niña at Sir Charles pinapatawag na po kayo, magstastart na daw po yung orientation"

"Ahh sige kuya, saan po ba kami pupunta?" nakangiti kong tanong ko kay kuya

"Sunod na lang po kayo saakin"

"Salamat po" pasasalamat ni Charles

Pagkalabas namin ng holding area ay dumaan lang kami sa area ng mga makeup artist at hairstylist kaya nakita ako ni Mamshie Albert

"Niña, likha muna dito retouch lang kita ng konti"

"Ahh sige po, Charles wait lang ha mag reretouch lang daw ako"

Lumapit ako kung nasaan si Mamshie Albert at pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap niya. Maya maya pa ay naramdaman kong lumapit saamin sila Charles. Tulad nga ng sabi ni Mamshie Albert ay niretouch niya lang ng konti yung makeup ko tapos inayos lang yung placement ng hair piece ko. Habang inaayusan niya ako ay nagkukuwentuhan ulit kami.

"Uyy Niña sobrang gwapo pala ng kapartner mo, bagay na bagay kayong dalawa"

"Ayy hindi naman po grabe naman po sa sobrang gwapo" natatawang sagot sakanya ni Charles na sinabayan ko din ng konting tawa

"Hijo alagaan mo tong si Niña mamaya ha, first time niya!" bilin sakanya ni Mamshie Albert. Sa loob kasi ng saglit na pagsasama namin ni Mamshie Albert kanina habang inaayusan niya ako ay nagkasundo agad kami kaya parang anak-anakan na din siguro ang turing niya saakin.

"Of course po, ako pong bahala sakanya mamaya wag po kayong mag alala" nakangiti niyang sagot kaya tinignan ko din siya tapos ay nginitian.

"Ayan Niña ready ka na ulit, ganda mo talaga girl! Sige na lakad na kayo, mag oorientation pa kayo. Goodluck sainyong dalawa. Wag kang kakabahan Niña, kaya mo yan tsaka andyan naman si Charles eh " tapos ay nagbeso na kaming dalawa

"Salamat Mamshie" nakangiti kong pasasalamat sakanya

Pagkatapos nito ay lumakad na kami ni Charles kasama si Kuya na lumapit saamin kanina sa holding area. Nang kami'y makalagpas sa area ng makeup artist, hairstylist at dressing room ay nakita na namin ang area sa likod ng stage na pagrarampahan namin mamaya. Saktong sakto lang ang dating namin kasi halos kasabay lang naming dumating ang mag oorient saamin

"Good evening everyone! So today's wedding themed fashion show entitled (A Vow to Forever) will start in an hour. First of all I'll be telling you the sequence of designers. We will be starting off with the designs of Mr. Justine Alavarez, to be followed by the designs of Ms. Ana Palma, next will be the designs of Mr. Edwin Galvez. For the finale we have two designs from Mr. Alfred Contre and those two are worn by Charles and Niña. Second is that I would like to remind you guys of the after party that would be held at the pool/garden area of this hotel, there would be ushers to guide you later. Lastly I would like to goodluck everyone, just do your best and slay that ramp with confidence! That's all, be ready for the show's about to start soon. Thank you!"

Pagkatapos ay pipila na sana kami kasama ang iba pang mga modela ng tawagin kami ng nag orient saamin

"Charles and Niña!" tawag niya saamin kaya napalingon agad kami

"Yes po?" nagtataka naming tanong

"Ahh about sa ramp niyo later for the finale sasabihin ko lang sana yung sequence niyong dalawa. So maaunang rumampa si Niña pagkatapos ay babalik ka sa likod at si Charles naman ang rarampa, after nun ay babalik siya sa likod pagkatapos ay susunduin ka at dun niyo gagawin ang final walk and pose niyo. Yun lang, sige salamat and goodluck sainyo!"

"Ahh ok po salamat po!" nakangiting sagot sakanya ni Charles pagkatapos ay nakipag kamay kami dito

Pagkatapos niya kaming bilinan ay umalis na ito pagkatapos kami naman ni Charles ay dumiretso na din sa pila

-iamgabby

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon