One Shot Story
Written By : LovedThisGirl
~~
" Ayan na naman sya "
Lagi kong nababanggit sa twing dumadaan ako sa playground na iyon, para ngang di nabubuo ang araw ko pag hindi ko yan nababanggit sa isang araw, lagi kasi kita nong nakikitang umiyak. Iniisip ko na baka ang bigat bigat ng nararamdaman mo kaya gabi gabi ka nalang umiiyak. Napapadaan kasi ako sa playground na yun pag pauwi na ko galing eskwelahan.
Nung kinabukasan ulit ng gabi ay nakita na naman kitang umiiyak, normal lang sakin na nakikita kang ganun pero iba nung araw na iyon, di pangkaraniwan sa gabi gabing nakikita ko. Unang beses kitang narinig na humagulgol kaya nilapitan kita, inabot ko sayo ang kapirasong panyo na lagi kong dala pag umaalis ako. Alam kong nagulat ka sa bigla kong pagsulpot dahil una di mo naman ako kilala, matagal na kasi kitang pinagmamasdan sa malayo .. dito mismo sa lugar na to kung san lagi kang umiiyak. matagal na kitang gustong lapitan pero nahihiya ako, di ko alam kung pano ako haharap sayo.
Ang dami kong inipon na lakas ng loob para lang malapitan ka, ang plano ko lang sana ay iabot tong panyo sayo pagkatapos ay aalis na, pero saktong pagtalikod ko ay hinawakan mo ako sa pulso at sinabing wag kitang iwan kaya ginawa ko.
Sa paglipas ng mga araw ng pagkikita natin sa mismong lugar na iyon ay naging magkaibigan rin tayo, sabi mo ay ako lang ang naging kaibigan mo mula nung dumating ka dito. Lagi tayong nagkakasama at nagkekwentuhan. Pero hindi parin nawawala ang araw na di kita nakikitang umiiyak twing gabi. Hindi ko alam kung bakit mula noon ay di mo parin binabanggit ang dahilan kung bakit lagi kang umiiyak. Lagi kitang tinatanong pero ni isang beses hindi mo manlang sinagot, pakiramdam ko pa na lagi mong iniiwasan ang tanong kong iyon.
" Ayan na naman sya. " Lagi ko paring binabanggit noon pag nakikita kitang umiiyak. Ganun ka kasi eh, pag kasama kita lagi kang tahimik at pag nag iisa ka na ay lagi ka na namang umiiyak. di mo alam na nakatingin lang ako sayo mula sa malayo.
Hanggang sa di nagtagal, di na kita nakikitang umiiyak twing gabi, natuwa ako sa pagbabago mong iyon, ang lagi mo na lamang ginagawa sa lugar na iyon ay ang pagtitig sa mga bituin habang nakaupo sa swing na lagi mong inupuuan. Ilang buwan na tayong magkaibigan pero di ko alam kung bakit may panahon na nahihiya parin ako sayo. May araw na mas pinipili ko na lamang na titigan ka sa malayo kaysa lapitan.
Isang araw ay naramdaman ko na lang ang malakas na tibok ng puso ko pag nakikita at nakakasama kita, kaya kong magpabalik balik sa playground na iyon masilayan ka lang. Nagising na lang ako na nahulog na pala ang loob ko sayo, noon simpleng paghanga lang ang meron ako para sayo, napaka hinhin mo kasi, tahimik at maamo ang mukha. Habang patagal ng patagal ay lumalalim na lamang ang nararamdaman ko. Wala naman akong planong ipaalam yun dahil nahihiya ako, kaya mas mabuti ng ganito nalang tayo... Ganito nalang ako sayo.
BINABASA MO ANG
Ayan Na Naman Sya
Short StoryMagsisimula ulit ako sa Lugar kung san kita unang nakita. -Him