eiffel tower
by hoursenic
***
"Mimi!"
"Oh?"
"Eiffel tower!"
"Ewan ko sayo!"
Sinimulan ko nang ipedal ang bike at iniwan siya doon. Lagi na lang niyang sinasabi ang 'Eiffel Tower'. Hindi ko nga alam kung may sira na ba talaga siya sa tuktok dahil paulit-ulit niyang sinasabi yun sa akin. Wala yatang araw na hindi niya mababanggit yun.
"Grabe ka naman, lagi ka na lang nang-iiwan."
Bukod sa paborito ko ang lugar na yun, isa rin siya sa mga pinapangarap kong puntahan. Sabi kasi nila, sobrang ganda daw dun at mafifeel mo rin yung fragrance ng love. Hindi naman sa hopeless romantic ako, pero one-sided love. Nyerk.
"Saan mo gustong pumunta?"
Tinignan ko siya sa gilid ng aking mata at napabuntong hininga. Pakamanhid kasi ng isang to. Di man lang mag-effort tanungin kung sino ang crush ko.
"Kahit saan... basta kasama ka."
Muntikan nakong sumemplang ng bigla kong mahawakan yung brake. Urgh, narinig niya kaya yung sinabi ko? Sana hindi, sana hindi. Ano na lang ang imumukhang harap ko kung malaman niyang crush ko siya?
"Oh, Mimi? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang?"
Tinignan ko siya habang humihinga ng malalim. Kainis, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang ginawa niya sa akin? Ano bang ginawa ko para gantuhin niya ang puso ko? Kaasar naman eh. Hindi fair!
"Wala. Leche."
Nagbike muli ako, buhat buhat ang nakakunot na noo. Kaasar. Nadulas na nga ako hindi niya pa rin magets gets kung anong gusto kong ipahiwatig! Manhid kase! Ang sarap niyang itulak ng matauhan!
"Mimi!"
"Oh?"
"Eiffel tower!"
"Leche tigilan mo na ako!"
Binilisan ko ang pagbibike ng maiwanan siya don. Gusto kong magwala kung gaano kamanhid ang isang yun. Gusto kong sampalin sa kanya ang katotohanang mahal ko siya kaso kahit sabihin ko yata sa kanya na gusto ko siya ay hindi pa rin niya magegets. Iisipin niyang mahal ko siya dahil bestfriend ko siya! Buhay nga naman oh.
"Mimi! Teka!"
Sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan. Bahala siya dyan. Manigas siya sa pagkamanhid niya. Binilisan ko pa lalo ng sa ganun hindi na niya talaga ako maabutan kaso tanga yata yung bato at nandun siya sa dinaraanan ko. In the end, sumemplang na talaga ako. Malas malas malas.
"Mimi!"
Tiinawag niya ako sa pangalan ko. Tinignan ko ang sugat na natamo ko sa tuhod. Saklap. Kaso mas masaklap pa din ang kahinaan ng utak ng isang to. Saklap!