Thea Marie Leonardo's P.O.V.
I'm holding my cards tightly while staring at my opponent's smirk. Pumunta sila dito sa bahay para lang yata i-bully ako. Naglaro kami kanina ng Jenga at talo ako kaya nag puro lipstick ang muka ko. Naglaro kami ng horror game sa phone at ang unang tumili ay talo, as usual, talo ako kaya namula ang braso ko sa mga pitik nila. At ngayon naman, round eight na ng Uno Card. Umabot kami sa eight dahil puro si Heart ang nananalo.
Shit, ipapanalo ko na talaga 'to this time. Matitikman nyo.. Ang batas.. Ng isang.. API!!
Mas may tyansa akong manalo ngayon kaysa kanina na mas marami pa yata sa bunutan ang baraha ko. Arrghhh! Damn this Uno Card Game! Never pa 'kong nanalo dito, NEVER as in NEVER.
"Ready your self, babes. You'll lose again. AHHAHHA. Oops, you never win against me nga pala." Ani Kyen.
"Wag mo 'kong ma-babes-babes Kyen Rios Ferrer ha? Untog Kita sa abs ni Qiero ko e, diba 'no Babe?"
The love of my life chuckles and continue drinking his juice and sit beside me, kiss me on my temple, look at my cards and said,
"Babe, manalo o matalo, ang importante, nagmamahalan tayo a?"
Kyen, Dianna and Heart filled the pool area with their hard laugh.
"Ang sasama nyo!" Isa-isa kong tinignan Ng masama Ang mga kaibigan ko at lalong pang lumakas ang tawa ng mga demoho, pinakamalakas ang kay Kyen, kaya pamaya-maya, huminto sa kanya ang paningin ko.
"Lalo ka na! Lalo ka na!" Binato ko ng binato si Kyen ng nagkalat na plastic cups.
Tumawag lang sya at nagbaba ng baraha, ganun din ako. Two cards on his hand and three cards on mine. Two red cards and a green stopping card. Green na number 8 Ang kailangan nyang sundan.
May pag-asa pa.
I'm starting again to think how to win this game when Kyen Ferrer yelled "UNO!" bringing down his green reverse card and a +4 will card.
His voice gain attention and when everyone realize that I lose- for the eighth time, laugh and "awwww, It's ok" filled the room. Im about to leave to get some snacks when Dianna shower me cold water. And shetttness ang laaaaamig!!
"Tangina ka, Dianna Tecson!! Sinusumpa kita! I hate you!! ANG LAMIGGG!!!" Nanginginig-nginig pa ko ng tumayo ako dahil sa sobrang lamig. Sinipa ko lahat ng cards papunta sa pool.
Hayop kayong mga cards kayo! Pinatalo nyo ko! Dapat dinidispatsa na-
Naputol ang paglalabas ko ng sama ng loob sa cards ng bigla akong itulak ni Kyen sa pool.
Note to self; katayin si Kyen at master-in ang Uno.
Lumangoy ako papunta sa kabilang gilid ng pool para duon umakyat. Lagi nila akong pinagtitripan every time na pupunta sila dito sa bahay. Alam kasi nilang burog ako sa card and board games kaya ako lagi ang kawawa.
Iaangat ko na dapat ang ulo ko para umahon ng biglang,
"AAAAAAAAAAAHHH! MGA DEMONYO! PAKSYET! AAAAAAAAAAAHH!"
SINALUBONG AKO NI KYEN NG ISANG TIMBA NG MALAMIG NA TUBIG-NA MAY YELO PA.
Umahon ako sa pool tsaka ko hinampas si Kyen.
BINABASA MO ANG
Bestiny
General FictionNafall na sa dapat prenny mo lang? Na friend zone? Ginawang pangselos sa jowa pero gusto mo naman? Nahulog kasi assuming? Nag-i love you, sabay charot? Ay 'te! Ikaw na ikaw 'to! Do you think, messy love story deserve a happy ending? Do you think, yo...