Handkerchief

295 8 8
                                    

Sunday nanaman at dahil 11 am ang start ng misa eto ako ngaun nagmamadali na dahil 10:45 am na. At kung mamalasin ka nga naman 10 mins. pa ang dating ng train. Hayy sayang naman, mukhang kalahati nalang ng misa ang maabutan ko. Baka kalahati nalang din tuloy ang iblessed sakin ni lord..wag naman..

At sa wakas, nakarating na ako sa simbahan. Malapit na nga matapos ang misa kaya naisipan ko nalang magdasal matapos umalis ang lahat.Syempre nagwish ako ng good health sa family ko, good marks sa school tapos... Syempre di naman siguro masamang humiling ng the one para sayo diba? kaya isinama ko na rin iyon.Naisipan ko maggala muna saglit sayang naman din ang lakad ko.

" Miss " may narinig akong boses na hingal na hingal sa likod ko. Pero deadma lang ako hanggang naramdaman ko ang kamay sa balikat ko.

" Ay kalabaw! " sigaw ko. Buti nalang at malayo layo na ako sa simbahan nakakahiya naman talaga ohh!

" Pasensya na miss, nakalimutan mo kasi etong panyo mo oh " sabi nung lalaking hingal na hingal na tumatawag kanina pa.

" Ay, salamat kuya. " sabay kuha ko ng panyo ko sa kanya at sabay ngiti namin sa isa't isa.

~*~

Eto ako ngayon, 1 month na ang nakakaraan at hindi parin ako makaget-over sa pangyayaring iyon. Ewan ko ba, yung araw na yun humiling ako na mahanap ang the one at lagi ko nalang naiisip na siya iyon dahil nga sa sakto sa araw na humiling ako tas na-meet ko siya. Sabi nga nila diba, may dahilan kung bakit pinagtatagpo ang mga tao.Every sunday nalang umaasa akong makita ko muli siya sa simbahan o malapit man lang sa simbahan pero wala, walang pag-asa.

Dumating nanaman ang panibagong sunday at inimbita ako ng mga kaibigan ko sa isang birthday party.

" Huh? eh nako, salamat nalang bhes.. alam mo namang every sunday di dapat ako pumalya sa pagpunta sa church." mabilis kong sagot sa kanya.

" Bhes, isang buwan na lumilipas nung una mo siyang makita..hanap nalang ng iba "

" Anong pinagsasabi mo? hindi lang naman siya ang importante kaya pupunta ako ng simbahan syempre kay lord din"

" Kaya siguro di kayo pinagkikita ulit kasi naisip niya na magma-madre ka nalang " pang-aasar niya.

" Oyy, wag mo ngang ibiro ang mga tungkol dun. Basta.. A-Y-A-W ko."Di nagtagal naggive-up din siya.

Matapos ang mass. Agad akong nagtingin-tingin sa paligid at naghanap ng kamukha niya pero wala talaga eh. Hayy, baka hindi siya yung the one. Tama si bhes.. Hanap nalang ng iba. Napansin kong maaga pa nmn at baka hindi pa tapos yung birthday party ng kaibigan ko pwede pa siguro akong humabol.

*on call*

" Bhes, pede pa bang humabol?"

" Oo naman! Bilisan mo maraming choices dito. Dali.. hahaha" pagbibiro niya.

" Sige,on the way na "

Nakarating na ako sa bahay ng kaibigan ko, at madali ko agad nakita ang bestfriend kong abno.

" Teh, ang tagal ha! buti naman at nakarating ka. O ano na? gumive-up ka na kay kuya Handkerchief? Mag-search na ba tayo? Tara!" yun ang tinawag niya sa guy na nagbalik ng panyo ko sa church simula ng makwento ko sa kanya, si Kuya Handkerchief..

" Hay nako, baliw. Nasan na ba si Kiko, nakakahiya di ko pa nababati "

" Andun sa mga tropa niya. Nakikipagchikahan "

Maya-maya'y naisipan ko ng umuwi. At habang naglalakad na ako pauwi may hindi ako inaasahang narinig na boses na tumawag sa akin at kahit isang beses ko palang ito narinig ay di ko nakalimutan o makakalimutan. Sa hindi ko rin inaasahang lugar pa narinig muli ito. Bago ako lumingon sa kanya naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso.

" Miss, panyo mo " hindi ako nagkakamali siya nga itong nasa harapan ko ngayun.

" Ahhhhh.. Sa..lamat..." nanginginig kong inabot ang panyo ko mula sa kanyang kamay, pinilit ko itong abutin kahit nanlalamig at nababato na itong aking kamay. At sa di sinasadya nahawakan ko pa talaga ang kamay niya.

" Teka, ikaw din yung nakaiwan ng panyo sa simbahan ahh 1 month ago " hindi ko alam pero automatiko akong napangiti ng banggitin niya ang 1 month ago siguro dahil nga sa naaalala niya pa rin yun.

" At sa araw na ito, di ko na hahayaang umalis ka na di tayo nagkaka-kilala. Skye nga pala " sabay abot ng kamay niya na parang nakikipag-handshake. Totoo na po ba ito? paki-kurot naman ng pisngi ko!

" Ako naman si Shei " at nakipaghandshake din ako sa kanya. Nagpatuloy na akong naglakad at tumalikod sa kanya pero hinabol niya ako at sinabing..

"Shei,may naiwan ka " nagtataka akong lumingon sa kanya.

" Puso ko, haha biro lang. Ingat ka. See you again " at ngumiti siya ng parang wala ng bukas.

:)

~ Thank you sa pagbabasa nitong first short story or supershort story ata haha! Keep Reading my stories.

Don't forget to Vote and Comment for some feedbacks ☺️

Love ko kayo :*

Handkerchief  [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon