Chapter One

11 1 0
                                    

Alice's POV

First day of School

June 17 2013

Sa wakas! College na din ako, ibig sabihin...4 years na lang ako magaaral. Yipeeee!! Matatapos na din tong academic life ko. Natutuwa ako kasi unlike sa HS maghapon kang nasa school, sa college aba! Kanya kanyang buhay. Bahala ka kung ayaw mong pumasok. At tsaka, yung class schedule, maluwag. Yun nga lang may isang bagay talaga hindi mo mababago, ang maagang pumasok! akala ko pa naman eh makakatikim na ko class sched na tanghali ang pasok.

7 am ang start ng class ko. At ito pa matindi...Alegbra. Hanggang ba naman dito eh, sinusundan ako?!?! Grabe ha. 12nn naman ang uwian ko. 4 yung subjects ko this day, 1hr/subject. So, simula nung 7am to 12nn, walang humpay na pagpapakilala. Well, I don't feel so alone kasi kasama ko yung HS bestfriend ko with her boyfie kaya kahit papano, confident ako. May nakilala kaming new friend actually, kilala siya ng bestfriend ko at ako naman, blanko! Bakit hindi ko alam yunnn?? Alam niyo yung feeling na...bestfriend mo ba talaga ako?

Kinabukasan naman yung 3 subject na natitira. At ang kinasaya ko naman, 1 lang major subject namin! Di ba ang saya saya! At sobrang saya ko dahil 7:30am yung pasok ko! Di ba, ang saya? badtrip. Natapos na yung...economics 101. Susunod na yung major... Accounting 1.

"Asan na kaya yung prof? 15 minutes na wala pa rin." -classmate 1

"Ayon sa handbook, pag30 minutes at wala pa yung prof, pwede na tayong umalis." -classmate 2

30 minutes? Bakit 30 minutes sa kanila? Tapos sa aming estudyante kapag 15 minutes...absent? UNFAIR!! Asan ang hustisiya??

Tumingin ako sa labas, kasi nauumay na ko sa itsura ng room namin, patay na patay, wala man lang kaartehan na magaaliw sa ang aking mata. Paulit ulit ko nang nababasa yung mission and vision ng school, nakakasawa!! Psh!

"Block 4 ba to?" Tanong nung lalaki. Tumango lang ako.

"BSA 1-4?" Tinanong ulit. Tumango ako ulit. Pumasok siya at umupo sa teacher's table. WAAAAAAAAHHHH????!!!! Siya prof namin??!?!?

I'm sure lahat ng babae, hindi na maalis yung mata niya sa kanya. Yup, I know what you're thinking! At tama ka dun, gwapo nga yung prof namin! And guess what, inggit sila sa akin. You know why? Ang lapit ko sa kanya. Halos katapat ko lang siya. sorry girls.

ngayon ko lang napatunayan, masusuwerte nga talaga mga January! Hahaha.

Kinuha niya yung marker at nagsulat siya sa board, 'Jake'. "Ako nga pala si Sir Jake. Ako yung prof niyo sa accounting 1," umupo siya, "sige magtanong kayo."

Walang kumibo. Hahaha! Nahihiya sila. Gwapo kasi eh. Ilang minuto din kaming nagtitigan.

"Uy, magtanong kayo." Walang kumibo.

"Wala ba kayong itatanong?" Seryoso ba siya? Wala ngang kumikibo tapos tatanungin niya kung wala kaming tanong? Nakakaloko to ah.

"Sir, CPA po ba kayo?" -tanong nung kaclassmate kong lalaki.

"Oo." So, dead air ulit. "Osge, ganito na lang," nakupo! Magpapakilala na naman ba kami? "Since na bawal ko kayo palabasin agad...isa isa kayo..." Ngumiti siya, "kumanta."

"Whhhaaattt? No wayyyy!!!!" Malakas yung pagkakasabi ko kaya napatingin sa akin lahat.

"Edi, may minus ka."

"Whaaaattttt???? Hindi pa nga nagssstart yung class may minus na ko??!!! Tsaka anong connect nun sa accounting?!?!"

"Ode negative yung grade. Connect? Ako prof mo."

-___- nagtawanan yung classmates ko. K. Napakareasonable ha.

"Osge tatawag na ko." -___- tumingin siya sa list, "hmmmm, Ms. Evangelista." Sherry. Ako pa nauna. "Sino si Ms. Evangelista?"

"Ako po. -___-" tumingin siya sa akin at ngumiti.

"So, ikaw pala si Ms. Evangelista, hmm, si ms. No way." Ang ganda ng nickname ko, "kanta ka o minus?"

"-__- , kakanta po." Siyempre noh, hindi naman ako makakapayag na negative yung grade! Lalo na't major pa to. Tumayo ako sa harapan, malapit sa kanya. Ano ba pwede ikanta?

"Ang kakantahin ko ay...Vunerable by secondhand serenade." Weh? Kailangan may ganun pa? "Ay teka, a thousand years na lang pala."

Medyo tumawa yung classmates ko at least napatawa ko sila. "Heart beats fast Colors and promises How to be brave How can I love when I am afraid to fall" Nakatingin siya sa akin. "Watching you stand alone All of my doubts Suddenly, goes away somehow" Pwede ba?! Sir Jake, sa papel ka na lang tumingin?! Naiirita ko eh. "One step closer I have died everyday Waiting for you Darling, don't be afraid I had love you for a thousand years, for a thousand more." Huminto ako, "okay na po."

"Palakpakan niyo naman siya." Pumalakpak naman sila.

Paupo na sana ko nang pigilan niya ko. "Teka, ms. No way."

"Evangelista po apelido ko, hindi No Way." Pambabara ko. Hehe. Ang pangit eh.

"Oooohhhhhhhh." Hirit ng classmates ko. Wala namang conduct sa college eh.

Ngumiti siya at umiling, "tapang mo ha, tignan natin tapang mo sa accounting 1... Ano name mo, Ms. EVANGELISTA?"

Woah, maka-exaggerate ng SURNAME ko ha. Problema mo? "Alice."

"Alice..." Sabi niya ng mahina. Tumingin siya sa papel, "alam niyo ba yun yung kinanta ng mga co-workers ko nung nagresigned ako sa work." Ngumiti siya sa akin at saka sa klase.

"So?" Tumingin ulit siya sa akin, medyo seryoso mukha niya. Umupo naman na ko. Ewan ko ba at naiinis ako sa kanya. At ewan ko rin bakit lumalabas yung bad side ko. Huhu. Natatakot ako, bigla akong naguilty sa ginawa ko. YA!! Hindi na niya ko pinansin at tumawag na siya ng ibang surname. YAAA!! Galit kaya siya sa akin??

Pagkatapos nun, diniscuss niya yung accountancy. Kung pano maging cpa, yung policy dito sa school when it comes to BSA students and to tell you, grabe. Ang higpit pala. Nagpa-assignment siya, 1/4 index card. Name, address, section. Bday, e-mail add at cp number. Para daw macontact kami. At nagpa-assignment agad, basahin na daw namin yung chapter 1 at sagutan lahat ng theories.

Psh! (A/N : theories : definitions, principles, statements, rules)

"Class dismiss." Tumayo siya at mabilis siyang lumabas ng room.

"Siiirrrr!!" Sinundan ko siya. Amp! Ang bilis naman niya maglakad. May date?

"Ms. Evangelista may problema?" Napahinto kami sa gitna ng hallway, malapit sa faculty at dean's office.

"Ahhh..." Yumuko ako. Nahihiya ako sa kanya, "Sir..." Nakatingin lang siya sa akin, "S-sorry po kanina." Tumingin ako sa kanya.

Ngumiti siya, "Huwag mo nang uulitin yon. Sige." Tapos pumasok na siya ng faculty.

Ako nga pala si Mary Alice Evangelista. 16 years old. Half Filipino and half chinese. 2 kaming magkapatid. Parehas na babae. Accountancy kinuha kong course. Hindi ko naman gusto pero no choice ako.

Say You Love MeWhere stories live. Discover now