C H L O E

6 0 0
                                    

I'm begging of you, please don't take my man.
Please don't take him just because you can.

~•~

Natatandaan mo pa ba ako? Siguro, hindi na. Magkaklase tayo nung high school. Hindi mo nga lang ako napapansin kasi, sikat ka sa buong school natin. Maganda ka kasi, tsaka hindi naman ako kapansin-pansin. Sino ba naman ako? Ikaw, kahit ata basahan ang ipasuot sayo, maganda ka pa rin. Eh ako? Mga damit na nga na binili sa high-end stores ang sinusuot ko, walang-wala pa rin ako sayo.

Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsusulat sayo kahit hindi naman tayo close. Chloe, gusto ko lang sabihin sayo na huwag mo ng kunin sakin si Leaf. Alam mo namang gustong-gusto ko siya. Naalala ko tuloy nang niligawan niya ako dati. Sobrang saya ko, kasi finally, minahal na rin niya ako. Pero nalaman ko na rebound lang pala ako kasi ikaw pa rin pala yung mahal niya.

Pakiramdam ko nun, napakawalang-kwenta kong tao. Tinanggap ko pa rin siya kahit alam kong nagsisinungaling lang siya. Nagpapanggap akong okay lang ako kahit hindi naman talaga. Alam mo ba, nung anniversary namin, hindi siya sumipot. Ikaw kasi yung inuna niya. Nagbreak na raw kasi kayo ni Collin.

Dinamayan ka niya kasi kailangan mo raw ng mapaglalabasan ng sama ng loob. Kumusta naman ako? Ayun, umandar na naman ang katangahan ko. Todo asikaso pa naman ako para memorable yung date namin. Sobrang pinaghandaan ko rin yung regalo ko sa kaniya, na halos wala akong maayos na tulog pero nasira lang ang lahat. Sobrang sama ng loob ko nun.

Hindi ko na nakayanan ang lahat. Nagwala ako. Pinagpupunit ko yung regalo ko sa kaniya. Sinira ko ang lahat ng bagay na nakita ko. Nalaman ko din na nagkalagnat ka kaya inalagaan ka niya. Sa sobrang pagmamahal niya sayo, nakalimutan na niya ako. Wala akong magawa kasi ikaw yung mahal niya.  Wala akong magawa kundi ang umiyak. Sumabay pa yung pagbuhos ng ulan, nakikidalamhati rin ata.

Doon na rin ako nakatulog sa may park. Wala na rin akong pakialam kung magmukha akong tanga doon. Maghihintay ako kasi alam kong darating si Leaf. Pero mali na naman ako. Paggising ko, wala na ang bag ko. Sobrang bigat rin ng pakiramdam ko. Nag-panic na ako kasi hindi ko alam kung pano na ako makakauwi.

Bigla na lang akong nahimatay. Buti na nga lang, may nagmagandang-loob na ale at dinala niya ako sa bahay niya. Sinabi ko ring nanakawan ako kaya nakihiram ako sa kaniya ng phone para matawagan si Mommy. Sinundo naman ako kaagad ng driver namin at binigyan ko rin ng kaunting pera yung ale. Mga sampung araw din akong nilagnat pero ni ha, ni ho, wala akong narinig galing kay Leaf. Siguro, masaya na kayong dalawa. Sinimulan kong saktan ang sarili ko, sinubukan ko ring maglaslas pero palagi akong nahuhuli ni Mommy kaya tinago nila lahat ng mga patalim sa bahay.

Nawawalan na ako ng ganang mabuhay. Handa na akong mamatay, pero bumalik si Leaf sa buhay ko. Sa wakas, na sa akin na ulit siya. Salamat Chloe. Salamat dahil hinayaan mo akong kunin siya sayo.

Patawad na rin kung kinailangan kong wakasan ang buhay mo.

Allison M.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chloe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon